Home » Entertainment » ‘Kambal, Karibal’ umiinit

‘Kambal, Karibal’ umiinit

By Ruel J. Mendoza

Bago at kakaiba sa panlasa ng manunuod ang istorya ng Kambal, Karibal kaya naman hindi nakapagtataka na isa ito sa mga pinaka-inaabangang serye gabi-gabi sa primetime.

Dahil sa unpredictable plot nito kaya naman nagugulat ang marami sa kakaibang twists na nagaganap dito.

Marami rin ang humahanga sa husay ng mga batang artista kasama rito na sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kyline Alcantara at Pauline Mendoza.

Kaya kasi ng mga ito na makipagsabayan sa husay ng mga senior stars na sina Jean Garcia, Carmina Villarroel at Marvin Agustin.

Marami ang bilib sa husay ni Kyline Alcantara sa pag-arte bilang isang kontrabida. Kahit saan mo kasi siya ilagay—pagtataray o pag-iyak, umaangat ang galing ng bagong Kapuso star.

Sa Kambal, Kariba, kung saan nasa katawan na ngayon ng karakter niyang si Cheska ang espirito ni Crisel (Pauline Mendoza), masyadong napabilib ang viewers sa nakakaantig na eksena nila ni Crisan (Bianca Umali) na nag-iiyakan.

Nakakatuwa ang husay ni Kyline. Tiyak isang mahusay na aktres na naman in the making ang alagang ito ng GMA.

Muling pinatunayan ng tandem nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix pati na rin ng buong cast ng GMA Primetime series na Kambal, Karibal na unstopabble sila sa paghahatid ng kalidad na programa.

Balitang-balita kasi ngayon na sila ang mas tinututukang kuwento dahil kakaiba at kaabang-abang ang bawat matitinding eksena.

Inaabangan ng mga BiGuel fans ang mga painit nang painit ang mga eksena dito lalo na sa pagitan nina Crisan (Bianca Umali) at ng kanyang kakambal na si Crisel (Pauline Mendoza) na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara).

Hindi na nga nakapagpigil ang viewers na ilabas ang kanilang emosyon sa social media lalo na nang i-reveal ng programa ang katotohanan.

Aabangan pa ng maraming fans ang hindi pangkaraniwang love triangle na ito on primetime television.

comments