Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mag-inang Zsa Zsa at Zia, unahan sa pagpapakasal?

Mag-inang Zsa Zsa at Zia, unahan sa pagpapakasal?

NAGING girlfriend nga ba ni Aga Muhlach si Agot Isidro noong nagkatrabaho sila sa defunct comedy show, “Oki Doki Doc”? Hindi kasi agad nakasagot si Agot nang tanungin siya ni Boy Abunda sa “Tonight with Boy Abunda” kung naging boyfriend ba niya si Aga.

8Heart Evangelista copy

Oo o hindi lang ang hinihintay na sagot ni Boy. Pero bantulot sumagot si Agot. “Hmmm…ahhh! Maybe!” aniya na sinabayan niya ng malakas na tawa.

Nagkatrabaho rin sina Aga at Charlene Gonzales sa “Oki Doki Doc.” Hindi naman siguro pinagsabay ni Aga sina Agot at Charlene, noh? Si Charlene ang pinakasalan ni Aga at kambal ang naging anak nila, sina Andres at Athasia na teen-agers na ngayon.

Hiwalay naman si Agot sa ex-husband niyang si Manu Sandejas. Childless sila.

Seryoso

Seryoso na raw ang relasyon nina Robin Nievera at Zia Quizon. Anak nina Martin Nievera at Pops Fernandez si Robin.

Anak naman ng yumaong Comedy King Dolphy at Zsa Zsa Padilla si Zia. Napag-uusapan na diumano nina Robin at Zia ang pagpapakasal.

Sino kaya ang mauunang magpakasal sa mag-inang Zsa Zsa at Zia? Napag-uusapan na rin ni Zsa Zsa and her fiancé Architect Conrad Onglao ang pagpapakasal.

Naudlot ‘yung unang balak nilang pagpapakasal. Naghiwalay sila for a while at nagkabalikan din.

Sa isang interbyu kay Zsa Zsa, sinabi niyang sabik na siyang magka-apo kay Karylle, (anak niya sa ex-husband niyang si Dr. Modesto Tatlonghari ). Three (or four?) years nang kasal si Karylle kay Yael Yuson ng Spongecola band.

Sabik na siyang maging lola, ani Zsa Zsa. Hindi kaya maunahan pa ni Zia ang stepsister niyang si Karylle sa pagbigay ng apo kay Zsa Zsa? Si Pops kaya, gusto na rin bang maging lola?

Susuportahan

Mukhang never-ending ang isyu kina Marian Rivera at Heart Evangelista. May nasilip na naman ang netizens dahil sa pahayag ni Marian na sakaling pasukin ni Dingdong Dantes ang pulitika, susuportahan niya ang kanyang asawa.

Diumano, may mga nagpu-push kay Dingdong na kumandidato bilang senador. Kapag nagkataon, parehas nang senador ang respective husbands nina Marian at Heart na misis ni Senator Chiz Escudero.

Sabi naman ng mga pro-Marian, lamang pa rin ang idol nila dahil ito ang Kapuso Primetime Queen. Well…

comments