Home » Entertainment » Mark Bautista admits getting intimate with guy friend

Mark Bautista admits getting intimate with guy friend

By RUEL J. MENDOZA

Tiyak na magiging best-seller sa autobiography ng singer-actor na si Mark Bautista dahil mababasa sa isang chapter ng book ang pagiging “intimate” niya with a guy friend na isa ring actor.

markB copy

Si Mark mismo ang nagsulat ng kanyang libro na may titulong “Beyond The Mark” at ginawa niya ito pagkatapos niyang ma-survive ang isang shootout sa Seattle, Washington noong nakaraang taon.

Ayon sa singer, isang near-death experience iyon kaya pag-uwi niya ng Pilipinas ay nag-decide siyang gawin na ang isang libro tungkol sa buhay niya at marami siyang revelation na ibubunyag.

“I just want to be true to myself. This book is about the adventures of my life. My failures and my successes. Kasama na roon ang mga pinagdaanan nating mga relationships. And of course, that near-death experience that triggered me to write this book.”

Naging makulay din ang personal na buhay ni Mark lalo na noong ma-link siya sa singer-actress na si Sarah Geronimo.

Parehong lumaban noong 2002 sa singing contest na “Star For A Night” sina Mark at Sarah. Si Sarah ang tinanghal na grand champion at first runner-up si Mark.

Na-link din si Mark sa singer-actress na si Rachelle Ann Go at sa beauty queen na si Riza Santos.

Tungkol naman sa actor na naka-intimate ni Mark ng dalawang beses, nakipag-break pa raw ito sa kanyang girlfriend dahil sa nangyari sa kanila ng singer-actor.

Marami na ang nanghuhula kung sino ang tinutukoy na actor-friend ni Mark na ito. Matagal na kasing na-link ang name ni Mark sa aktor na ito na noon pa ay sinasabing close na close ang dalawa.

Pero for sure, hindi babanggitin ni Mark ang name ng actor-friend niya.

Bahala nang manghula ang mga taong bibili ng kanyang libro na marami pang revelations na ibubunyag.

comments