Home » Entertainment » Timing » Mikael and Megan travel addicts

Mikael and Megan travel addicts

By RUEL J. MENDOZA

PAREHONG travel lovers ang magkarelasyon na sina Mikael Daez at Miss World 2013 Megan Young. Makikita sa mga post nila sa social media ang mga bansang napuntahan na nila.

Untitled-3 copy

But did you know na magkaiba pala ang hilig na puntahan ng dalawa?

Si Mikael ay mahilig sa mga mahirap na puntahan na mga lugar. ‘Yung mga bihirang puntahan ng mga turista.

“Mikael is so adventurous. Gusto niya ‘yung kakaibang lugar talaga.

“One of his dream destination ay pumunta ng Antarctica.

“Hindi ko alam kung bakit doon pa niya gustong pumunta, eh and lamig-lamig doon, ‘di ba? Hindi ko alam kung kakayanin ng katawan ko ‘yung lamig,” natatawang kuwento pa ni Megan.

Si Megan naman daw ay paborito ang mga tropical countries. Mga magagandang beaches daw ang hilig nito.

“Megan loves the beach. Favorite niya ang Maldives. But she also likes countries na may mga cultural sites.

“And she likes to travel na magaan lang ang mga dala. Pati sa mga isusuot niya, she wants to be comfortable,” ngiti ni Mikael.

Gustuhin man nila Mikael at Megan na makabiyahe sa mas marami pang bansa, limited lang kasi ang bakasyon na binibigay sa kanila lalo na’t may teleserye na sila na “The Stepdaughters” sa GMA-7.

“When we travel naman kasi, gusto rin namin ‘yung mga malalapit muna. ‘Yung maiksi lang ang travel time.

“Makakahingi lang kami ng four up to five days na bakasyon. Kung pupunta kami sa isang country na ang biyahe ay abutin ng two days, sayang lang kasi hindi namin mama-maximize ang bakasyon.

“The reason why we travel is to relax, take time out from our workload and enjoy the days na libre kami,” sey ni Mikael.

May nag-suggest sa dalawa na kung sakaling ikasal na sila ang honeymoon nila ay tour around the world para mapuntahan na nila ang lahat ng bansang matagal na nilang gustong puntahan.

comments