Home » Entertainment » Timing » Angel, may inamin tungkol sa kanila ni Neil

Angel, may inamin tungkol sa kanila ni Neil

By Roxena Agilada

PELIKULA na kaya ang kasunod ng fast food commercial na ginawa nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion? Kilig over joyed ang fans and supporters ng former love team at ex-couple sa naturang fast food commercial, patunay na malakas pa rin ang screen chemistry nina Sharon at Gabby.

13ANGEL copy

Isang terminally-ill patient ang napa-smile nang napanood nito ang TV commercial (TVC) ng ex-couple.

Overwhelmed si Sharon sa reaction ng madlang pipol na post niya sa social media, hindi niya akalaing ganu’n kainit ang pagtanggap sa reunion nila ni Gabby kahit sa commercial lang.

Sana’y mapagbigyan ang clamor ng kanilang fans and supporters na mapanood naman sina Sharon at Gabby sa big screen.

Kung kumita sa takilya ang pelikula nina Sharon at Robin Padilla (“Unexpectedly Yours”), ano pa kaya kung Sharon-Gabby movie?

Male version

Male version ni Mocha Uson si Mikael Daez. Sa “Celebrity Bluff,” sinabi ng host na si Eugene Domingo na noong panahon ng Kastila, ang Mayon Volcano ay nasa Naga City. Fact ang sagot ni Mikael na kinorek siya ng master bluffer na si Edu Manzano na nasa Legazpi, Albay ‘yun. “Naililipat pala ang Mayon Volcano,” sabi ni Eugene.

Ang palusot ni Mikael, nadala lang daw siya sa trending na obviously, sa sinabi ni Mocha na nasa Naga City ang Mayon Volcano. Isip-isip lang kasi pag may time.

Umamin na

For sure, happy heart si Angel Locsin sa Valentine’s Day. Nakausap si Angel ng ilang reporters sa isang showbiz event at inamin niya sa PEP.ph at Cinema News na officially together na sila ni Neil Arce this month lang.

Ani Angel, nahihirapan na siya sa mga interview sa kanya. Kahit naman sinasabi niya noon na walang label ang relasyon nila ni Neil, obvious namang may “something” na namamagitan between them.

Confirmation lang mula sa kanila ni Neil ang hinihintay ng press. Ngayong umamin na si Angel, masaya siya dahil tanggap ng pamilya niya, lalo na ng kanyang daddy ang relasyon nila ni Neil.

Seven years silang magkaibigan hanggang nagkaibigan sila.

Hoping si Angel na si Neil na ang “the one” for her at makakasama for the rest of her life.

comments