Home » Entertainment » Timing » Aktor, iniisip pa kung liligawan muli ang ex-GF

Aktor, iniisip pa kung liligawan muli ang ex-GF

HINDI lang Valentine’s Day ngayon, Ash Wednesday pa. Umpisa na ng Lenten Season. ‘Yung mga magdi-date ngayong Valentine, maisipan sanang dumaan muna sa simbahang Katolika para magpalagay ng abo sa noo.  

Untitled-9 copy

Hindi naman ‘yun kabawasan ng ganda o pogi points sa inyong V-date.

Wagi

Congratulations kay Ruru Madrid, ang bagong champion sa “All-Star Videoke.” Good job! Una si Miguel Tanfelix na bukod sa cash prize ay nanalo ng brand-new car. That was months ago.

Four weeks nag-champion si Ruru na si Angelu de Leon ang huli niyang nakalaban. Bukod sa brand new car, R362,750 ang total cash prize na napanalunan niya.   

Magandang Valentine gift kay Ruru ang panalo niya sa “All-Star Videoke.” May pang-date siya. Meron kaya siyang Valentina? Sabi niya kasi, single siya at work muna ang focus niya.

Mukhang kahit wala na ang dating mentor-manager niyang si direk Maryo J. delos Reyes ay ginagabayan pa rin siya nito. Doing good ang GMA primetime series niyang “Sherlock, Jr.”   

Kaabang-abang
 
Sinabi ni Carlo Aquino sa isang interbyu na niyayaya niya si Angelica Panganiban na mag-dinner naman sila minsan. Pinatotohanan naman ito ng aktres sa isa ring interbyu.

Valentine’s Day ngayon, kaya kaabang-abang kung may dinner date sina Carlo at Angelica. Kilig-kiligan ang kanilang fans sa posibleng reconciliation ng dating magkarelasyon.

For now, sinabi ni Carlo na hindi pa niya naiisip na ligawan muli si Angelica. Gusto niyang i-enjoy muna ang namamagitang friendship sa kanila. Pero hindi niya isinasara ang possibility na magkaroon sila ng second chance. Will it be love is lovelier the second time around, if ever? Abang-abang na lang pag may time.

Friend zones

Kung sinabi ni Bela Padilla na dateless siya ngayong Valentine’s Day, ang ex-boyfriend niyang si Neil Arce ay si Angel Locsin ang Valentine date.

Officially together na ang dalawa. Sa isang interbyu kay Angel, sinabi niyang hindi siya mahilig sa Valentine date. Si Neil daw ang nag-e-effort, kaya maybe, simple dinner date ang magaganap sa kanila. For sure, this Valentine ay memorable sa kanila dahil first time nilang magse-celebrate bilang isang couple.

“Nganga” ang umaasang magkakaroon ng romantic relationship sina Bela Padilla at Zanjoe Marudo. Friend zones lang pala ang dalawa, kahit ano’ng push ng mga pa-hopia na maging “sila.” Hindi talaga sila meant to be.

comments