Home » Entertainment » Timing » Gerald Anderson, pinahiya ng direktor

Gerald Anderson, pinahiya ng direktor

By Rowena Agilada

GRABENG pahiya ang ginawa ni direk Cathy Garcia-Molina kay Gerald Anderson sa shoot ng “My Perfect You.” Sinigawan siya ni direk na naka-megaphone at sa harap pa ng maraming tao.

Untitled-4 copy

“Sobrang sakit. First time ko naka-experience na pahiyain ako ng direktor sa harap ng maraming tao. Ang sasakit ng mga salita niya. Gano’n siya talaga. Totoong tao. It’s her way of motivating her actors,” sabi ni Gerald sa presscon ng “MPY.”

Inamin naman ni direk Cathy ang ginawa niya kay Gerald. Nagpasalamat pa siya na hinayaan siya ng aktor na “tapak-tapakan” niya ang ego at pagkatao nito. “Gusto ko kasing malaman kung hanggang saan ang range niya (as an actor).

First time kami nagkatrabaho at hindi ko gusto siya umarte. Hindi rin ako naguguwapuhan sa kanya,” pahayag ni direk Cathy.

Aniya, ayaw niyang makita si Gerald Anderson sa karakter na ginagampanan nito bilang Burn. Nag-usap sila sa set to get to know him. Ani direk, grabe ang effort ni Gerald. Sa ending ng movie, take one ang aktor. “Nakita ko sa kanya si John Lloyd Cruz. I saw a sincere performance at hindi ko nakita si Gerald sa karakter niya,” pag-puri ni direk Cathy.

Nilait

Nakatikim din ng panlalait mula kay direk Cathy si Pia Wurtzbach na leading lady ni Gerald Anderson sa “My Perfect You.” “Hindi ako masyadong nagagandahan sa kanya. Ay, ang taba mo. Sabi ko kay Pia. Gusto ko malaman, marunong ba itong umarte? Ay, hindi niya kaya. Magaling siya. She delivered with flying colors. Sa movie, tinanggal ko lahat ng pagiging Miss Universe ni Pia. Never siya nag-reklamo. Kahit noong nasugatan siya sa isang eksena, hindi siya nag-inarte. Itinuloy pa rin niya,” lahad ni direk Cathy.

Ani Pia, nasaktan din siya sa mga sinabi sa kanya ni direk Cathy. “Totoo namang mataba ako noong una niya akong nakita. I appreciate her honesty.

Naging emotional si Pia na aniya, pinangarap niya talagang maging leading lady since 2002. Pia Romero pa ang screen name niya noon. Isang eksena lang siya o kaya’y nadadaanan lang siya ng kamera.

Sobrang happy siya noong nakita niya ang billboard niya sa “My Perfect You.” “Never ko na-imagine na magkakaroon ako ng billboard ng pelikula,” she said.

Showing simula bukas sa mga sinehan ang “My Perfect You” na prodyus ng Star Cinema.

comments