Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Rapist-killer, nagbigti

Rapist-killer, nagbigti

By Joseph Jubelag

T’BOLI, South Cotabato – Natagpuang patay Linggo ng umaga sa loob ng selda na kanyang kinalagyan ang suspek sa rape-slay ng isang 9-anyos na estudyante dito.

Ayon kay Chief Inspector Ramil Villagracia, T’boli police chief, nagpatiwakal ang suspek na si Sonny Cagalingan, 48, sa lob ng kanyang selda gamit ang isang nylon rope.

Hindi pa alam kung paano nakakuha ng nylon rope si Cagalingan.

Una ng inaresto si Cagalingan noong Biyernes bilang pangunahing suspek sa panghahalay at pamamaslang sa isang menor de edad na natagpuang patay malapit sa bahay niya noong March 7.

Ani Villagracia kilalang drug addict si Cagalingan.

Dati na rin itong nakulong sa Taguig nang 12 na taon.

Duda ng pulisya, maaring may pedophilic tendencies si Cagalingan na minsan na rin naobserbahan na para bagang nawawala sa sarili

Samantala, nangako si T’boli Mayor Dibu Tuan ng tulong na pinansyal sa kaanak ng nasawing 9-anyos na bata.

comments