Home » Entertainment » Camille: Husband VJ is a blessing

Camille: Husband VJ is a blessing

By RUEL J. MENDOZA

NAGPAPASALAMAT si Camille Prats-Yambao dahil dumating sa buhay niya ang mister niya ngayon na si VJ Yambao.

Sobra raw maasikaso si VJ sa baby nila na si Nala Camilla. Kapag may taping daw siya para sa GMA teleserye na “Ang Forever Ko’y Ikaw,” si VJ daw ang tumitingin sa baby nila at enjoy daw ito sa pag-alaga.

Untitled-2 copy

May isang anak kasi si VJ mula sa previous marriage nito. Twelve years old na ito ngayon kaya parang nagsisimula raw ulit na maging ama ito sa anak nila ni Camille.

“I am blessed to have such a good husband. VJ is very hands-on sa pag-alaga kay Nala. Mula sa pagtimpla ng formula, pagpalit ng lampin, ginagawa niya lahat.

“Kahit siya pa ang napupuyat sa baby namin, hindi siya nagrereklamo kasi nag-e-enjoy ulit siyang mag-alaga ng bata,” ngiti pa ni Camille.

Three months pa lang si Nala at nagpapa-breastfeed pa si Camille noong mag-offer na ang GMA-7 na magbida ito sa bagong teleserye opposite Neil Ryan Sese.

“Hindi ko naman inaasahan na mag-offer agad ang GMA sa akin ng teleserye, kasi kakapanganak ko pa lang at wala pa sa tamang porma ang katawan ko. Pero nakapag-lose na ako ng timbang because nagpapa-breastfeed ako kay Nala.

“So medyo na-pressure din ako kasi nga iniisip ko kung paano ba ito, kasi nga mahihiwalay ako agad sa baby ko, magpupuyat ako sa taping and all.

“Pero God is so good for fixing everything. Naging maayos naman ang working hours ko sa taping para magkaroon pa ako ng quality time with Nala.

“Plus ang bait ng mister ko. He’s really somebody na pinadala sa akin ni Lord. He understood my work and we’re one big happy family,” pagtapos pa ni Camille Prats-Yambao.

comments