Home » Entertainment » Timing » Dennis Padilla, binantaan si Joshua Garcia

Dennis Padilla, binantaan si Joshua Garcia

By Rowena Agilada

MAGING action star na kaya si Dennis Padilla kay Joshua Garcia? On national TV, sinabi ni Dennis na okey sa kanya si Joshua for his daughter Julia Barretto. Huwag lang niya ito sasaktan at paiiyakin. Or else, magiging action star siya, banta ni Dennis.

Untitled-5 copy

On national TV din, nangako si Joshua na hindi niya sasaktan si Julia. Mamahalin at aalagaan niya ito. Ano ‘yung lumabas na palitan ng messages ni Joshua at ng isang female netizen sa socmed?

May tsika ring diumano’y pinormahan ni Joshua si Louise delos Reyes that time na may “something” sila ni Loisa Andallo. Lumalabas na “chickboy” pala si Joshua.

Noong recent birthday ni Julia, nag-effort pa si Joshua na maging masaya at memorable ang 21st birthday ng dalaga. Pang-love team lang kaya ‘yun?

Peg?

Hala, mukhang call si Bulacan, Bulacan mayor Patrick Meneses sa sinabi noon ni Ara Mina na gusto nitong magka-anak muli sa kanya. May baby girl na sila, si Amanda Gabriel, now 3 years old.

Boy naman ang gusto ni Ara maging second baby niya kay mayor Patrick. At least daw, iisa ang tatay ng mga anak niya, if ever!

May payanig din si mayor na gusto niya ring magka-anak muli kay Ara. Seryoso? Pabebe naman si Ara na aniya, bahala na, pag-iisipan pa raw niya. Sige ka, baka magbago ang isip ni mayor.

Si mayor ang nakipag-break kay Ara a few days after mabinyagan noon ang kanilang baby girl. Naging friends naman sila.

Sina Mylene Dizon at Paolo Paraiso kaya ang peg ni Ara? Naghiwalay ang dalawa matapos magkaanak sila ng isa. Naging friends sila at nagkaanak ng isa pa.

Kinamumuhian

Si Gina Alajar ang bagong kontrabidang kinamumuhian sa TV. Isang pakialamerang mother-in-law at gagawin ang lahat para masira ang relasyon ng kanyang anak at asawa nito.

Ganyan ang karakter ni Gina bilang Adel sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” Anak niya si Marco (Mike Tan) at manugang niya si Thea (Yasmien Kurdi) na may HIV. Sa halip na suporta at pang-unawa ang ibigay niya, galit ang nangingibabaw kay Adel na gustong magkahiwalay ang mag-asawa.

In real life, cool mother-in-law si Alajar. Tanggap niya ang respective partners ng tatlong anak niyang sina Ryan, Geoff at AJ Eigenmann. Loving at caring lola si Gina sa kanyang mga apo.

comments