Home » Entertainment » Timing » Rachelle Ann Go, ikakasal na

Rachelle Ann Go, ikakasal na

By Rowena Agilada

WALA talagang spark between Rocco Nacino and Sanya Lopez. Kahit ano’ng push ng kanilang fans na maging “sila,” hindi sila na-fall sa isa’t isa. Hanggang screen love team lang ang mga pabebe nila.

RACHELLE-ANN-GO copy copy

May girlfriend na si Rocco, si Melissa Gohing na isang professional lady spiker from La Salle at naglalaro ngayon sa Creamline Cool Smashers. Five months pa lang ang kanilang relasyon at naipakilala na ito ni Rocco sa kanyang pamilya, some friends at maging sa ilang showbiz writers.

Isinama pa ni Rocco ang kanyang GF sa cast party ng “Haplos.” Happy naman si Sanya for Rocco na masaya na muli ang lovelife nito matapos silang mag-break ni Lovi Poe.

Never namang inamin nina Rocco at Sanya na may “something” sila. Never silang nagpa-asa. Single pa rin si Sanya at hindi siya nagmamadaling magka-BF.

This Holy Week, nasa Coron, Palawan siya with her brother Jak Roberto. Kasama rin nila ang GF ni Jak na si Barbie Forteza and her family.

First time

Tama ang hula at naisulat namin noon na baka trip abroad ang birthday gift ni Miguel Tanfelix kay Bianca Umali sa 18th birthday nito. All-expense paid trip to Japan ang regalo niya na aniya, alam niyang ‘yun ang gustong unang mapuntahan ni Bianca kapag nag-abroad ito.

First time ever out-of-the country trip ‘yun ni Bianca at excited na siya. Siyempre, kasama si Miguel at mga pinsan ni Bianca.

Hiningi na rin ni Miguel ang permiso ng lola ni Bianca na pormal na niya itong maligawan. Need pa ba ‘yun sa mga millennial? Obvious namang waging-wagi na si Miguel sa puso ni Bianca.

Ikakasal na

Ikakasal na next month si Rachelle Ann Go sa fiancé niyang si Martin Spies. Wala pa nga lang exact date at venue.

Mauunahan ni Rachelle ang ex-boyfriend niyang si Christian Bautista.

Engaged na rin ito sa non-showbiz GF. Wala pa nga lang silang date at venue ng kanilang kasal.

Si Sarah Geronimo na ka-batch ni Rachelle sa “Star For A Night,” kailan naman kaya magpapakasal kay Matteo Guidicelli? She’s turning 30 (or 31?) in July this year. Marami ang naghihintay sa marriage proposal ni Matteo kay Sarah.

comments