Home » Opinion » The Sexy Mind Answers » Nasobrahan yata ako at namaga ari ko

Nasobrahan yata ako at namaga ari ko

By Rica Cruz

Hi Ms. Rica,
May advice po ba kayo sa akin? I masturbated po ata ng sobra habang naliligo tapos parang namamaga na po ako.

Kailangan ko na po bang magdoctor?

Enthusiast

Hi Enthusiast,
Do you mean that your penis is swollen or irritated? Yikes! Masakit ba o makati? Gaano na siya katagal namamaga?

The rule of thumb is if the swelling persists for more than one day, then it’s best for you to go to a doctor as the swelling may be due to a serious complication. Mas maiigi nang patignan mo ito sa doctor para magamot nang mas maaga.

Madaming pwedeng rason kung bakit namamaga ang ari, isa na rito ang pag-masturbate mo.

Sabi mo, nasobrahan ka sa pag-masturbate. Anong ibig sabihin ng “sobra?” Madaming beses mo ba ito ginawa? O masyado lang intense ang iyong paghawak? These are just a few questions that your doctor may ask you.

Other factors that could cause the swelling of your penis are:

– Infection: Madaming pwedeng maging uri ng infection.

Isa na rito ay “balanitis” or infection of the foreskin and glans. Nakukuha ito sa poor hygiene or sa hindi paglilinis nang maayos ng ari. Pwede rin namang magkaroon ka ng fungal infection sa may ari na sanhi ng pamamaga.

Para magamot ito, nagbibigay usually ng antibiotic or antifungal creams and mga doktor. Pwede ka rin bigyan ng pain reliever kung may sakit kang nararamdaman.

– Inflammation: If your penis is exposed to irritants, katulad ng bath gels and creams, or maduming tuwalya, pwede nitong ma-irritate ang penis kaya ito namamaga.

Mas mabuti kung sa susunod ay gentle soap (without perfume, color, etc.) at malinis na tuwalya ang ginagamit mo around your genital area.

Whatever it is that you’re experiencing, baka mas nakakabuting huwag ka muna mag-masturbate or makipag-sex hanggang hindi ito gumagaling. Uulitin ko, mas makakabuti para sa iyo ang pagpunta sa doktor kung hindi humuhupa ang pamamaga ng ari mo. #takeitfromthesexymind

With love and lust,

Rica
***

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

comments