Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » 4 timbog sa anti-crime ops

4 timbog sa anti-crime ops

Apat na kalalakihan, kabilang ang tatlong gang members, ang naaresto sa magkahiwalay na anti-criminality operations sa Manila noong Sabado.

Base sa police report, naunang naaresto sina Vincent Autencio, 33, member ng Batang City Jail Gang; Jonas Ruperso, 21, isang Bahala Na Gang member; at Rafael Cabrido, 18, member ng Sigue Sigue Sputnik Gang.

Ayon sa report, nagsasagawa ang mga tauhan ng Roxas Blvd. Police Community Precinct sa pangunguna ni Senior Inspector Dave Garcia ng Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) dakong 9:50 p.m. nang mamataan nila ang mga suspek. Na-recover ang isang .38-caliber revolver kay Autencio, at isang 15-inch icepick kay Ruperso, at pitong piraso ng P20 bills.

Samantala, isang driver ang inaresto rin dahil sa pagdadala ng improvised shotgun noong Sabado sa Tondo.

Kinilala ni PO2 Ronald Duenas ang suspek na si Vincente Largado, 38, ng Collector’s Road, Pier 6, Tondo, Manila.

Bago siya naaresto, nakatanggap ang Raxabago Police Station ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol sa gulo sa kanilang lugar.

Mabilis na rumesponde sina PO1 James Balacanao and PO1 Gilbert Rellores sa Sta. Fe Street corner Pacheco Street, Brgy. 118, Tondo, bandang 9:10 p.m. kung saan na-ispatan nila si Largado na may hawak na shotgun. Agad na dinakip ang suspek. (Hans Amancio)

comments