Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Nigerian laglag sa droga

Nigerian laglag sa droga

By Mar T. Supnad

CAMP OLIVAS, Pampanga – Huli ang isang Nigerian national sa isang matagumpay na buy-bust operation sa Barangay Balibago, Angeles City kamakailan lang.

Ayon kay Chief Supt. Amador V. Corpus, Region III police director, ang suspek na si Chinedu Umeanwe, 26, ay nahuli sa kanyang tinitirhan sa Laguna St., Mt. View, Barangay Balibago, Angeles City.

Diumano’y pumasok ang Nigerian sa isang transaksyon sa isang undercover agent na siya ding humuli sa kanya.

Nasamsam sa Nigerian ang apat na sachet ng shabu.

Ani Corpus, maaring sangkot din si Umeanwe sa ATM skimming makaraan madiskubre sa kanyang tinitirahan ang isang card reader at 21 pieces na assorted ATM cards.

comments