Home » Entertainment » Mutya ng Pilipinas at Mr. World pageants magbabanggaan?

Mutya ng Pilipinas at Mr. World pageants magbabanggaan?

By ROBERT R. REQUINTINA

Usap-usapan ngayon sa mga pageant fans ang napipintong banggaan ng dalawa sa pinakamalalaking pageants – Mutya ng Pilipinas at Mister World pageants – na parehong gaganapin sa September 16.

Untitled-5 copy

Dismayado ang mga pageant fans dahil mahahati ang panonood para sa dalawang prestihiyosong contest.

Unang nag-announce ang Mutya ng Pilipinas sa pamumuno ni Hemilyn Escuedro-Tamayo na gaganapin ang 50th anniversary ng naturang pageant sa Mall of Asia sa Sept 16.

Noong isang linggo, kinumpirma ni Arnold Vegafria, national director ng Miss World Philippines, na gaganapin ang Mr World sa Pilipinas sa Sept. 16. Pero nabigla siya nang nalaman nya na makakasabay pala nila ang 50th Mutya ng Pilipinas pageant.

“Hindi ko alam na magsasabay kami. Pero siguro mag-gi-give way tayo sa Mutya ng Pilipinas. Tutal sa September pa naman ang contest,” ayon kay Vegafria sa isang panayam sa press conference sa Timog.

Pero noong isang araw, nag-issue na ng statement si Julia Morley, chairwoman ng Miss World Organization, na sa Sept. 16 na gaganapin ang Mr. World contest sa Pilipinas.

“I am delighted to announce that Mr World 2018 will be held in beautiful ‘PHILIPPINES’ – MR WORLD FINAL – Sunday 16th September 2018;

“Full details of the Mr World 2018 event will be given at a press conference in Manila on 1st May 2018. The press conference will be broadcast live on Facebook and other media channels,” ayon sa statement ni Morley.

Nabanggit na rin ni Tamayo na hindi na nila maiuurong ang Sept. 16 para sa golden year ng Mutya ng Pilipinas dahil naka-set na lahat ang venue at preparasyon para sa kanilang pageant.

“Hindi na talaga naman maiuurong yun. I hope hindi talaga kami magsabay,” ayon kay Tamayo.

Ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang Mr. World pageant sa Pilipinas sa loob ng 22 years.

Mauna rito, pipili ang Mr World Philippines ng Philippine representative para sa nasabing international contest.

comments