Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Tigilan na ang porno!

Tigilan na ang porno!

by Alex Calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,

May paborito po akong damit. Lagi ko po itong sinusuot. Mahal po ito at regalo ko po ito sa sarili ko ng nakaraang birthday ko. Nakakainis dahil namatsahan ng labandera namin habang nilalabhan niya. Kulay puti po ang damit ko at namantasahan ng pula sa manggas! Lahat na ginawa ko, Clorox, linagyan ng kalamnsi, binabad, binilad sa araw, pero ayaw matanggal! Pinalayas ko po ang labandera namin dahil dito. Meron po ba kayong alam na mabisang pantanggal ng mantsa?

Sam ng Cainta

Hi Sam,

Sobra ka naman! Pinalayas mo ang labandera niyo dahil namantsahan lang ang paboritong damit mo! Kahit may alam ko sa pantanggal ng mantsa, hindi ko sasabihin sa’yo! Saka, kung hindi matanggal ang mantsa, nasa manggas naman, sana ginupit mo na lang at ginawa mong sando! You’re so ROAD!


Hi Alex,

May bago kaming maid, ang ganda at batang-bata. Ewan ko kung napapansin ng misis ko na panay ang tingin ko sa bago naming maid. Napapansin ko rin na panay ang tingin niya sa akin. Minsan nga, ng lumabas ako ng banyo, nagkasalubong kami, eh nakatapis lang ako ng twalya. Sa gabi naman kapag umuwi ako at galing opisina, naabutan ko siya sa sala na nakahiga at walang bra. Ang problema, aalis ang misis ko, out of town ng isang linggo! Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at may mangyari na sa amin! Ano bang dapat kong gawin?

Allan ng Quiapo

Hi Allan,

Hoy Allan! Anong akala mo sa column ko, Xerex! Tigil-tigilan mo yang kakanuod ng porno! Napanuod ko na yan!


Hi Alex,
Nagsisimula na akong mag-gym para magpalaki ng katawan. Nagpo-focus ako sa chest and arms ko. Ang problema ko lang, baka masyadong lumaki ang katawan ko. Ano po ba ang maipapayo mo?

Kent ng Makati

Hi Kent,

OK lang magpalaki ng katawan. Wala rin problema kung lumaki ito ng todo. Mararamdaman mo naman kung OK ka na or gusto mo pang palakihin. Mas concern ako na naka-focus ka sa arms at chest, baka makalimutan mo ang legs. Masagwa kapag malaki ang katawan at payat ang paa, para kang lollipop o kaya si Johnny Bravo!


Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

comments