Home » Entertainment » Timing » Isinakripisyo ang trabaho para sa may sakit na BF

Isinakripisyo ang trabaho para sa may sakit na BF

By Rowena Agilada

Itinanggi ni Dennis Trillo na engaged o kasal na sila ni Jennylyn Mercado. Aniya, lumang singsing ni Jen ang naipost sa social media na inakalang engagement ring ’yun.

Untitled-4 copy

Dalawa ‘yung singsing na suot ni Jen na inakalang ‘yung isa’y wedding ring. Ani Dennis, walang naganap na marriage proposal o kasal noong nagkasama sila ni Jen sa isang US tour.

Ayon sa Kapuso actor, pareho pa silang busy ngayon ni Jen para isipin ang pagpapakasal. Basta super happy sila sa kanilang relasyon.

Okey na

Okey na si Donita Rose and her estranged husband na si Eric Villarama. Sinabi niya ito noong nag-guest siya sa “Celebrity Bluff.” May isa silang anak, si Joshua Paul (JP) na nasa poder ni Donita.

Ayon sa isang source, nagpapadala na ang estranged husband ni Donita ng financial support para sa anak nila.

Si Ruffa Gutierrez na ka-tandem ni Donita sa “Celebrity Bluff” ay nagsabi namang hindi nagpapadala ng pera ang ex-husband niyang si Ylmaz Bektas, (although wala naman siyang binanggit na name).

Steady lang ang sagot ni Ruffa nang kumustahin ni Eugene Domingo ang estado ng lovelife ni Ruffa. Knows natin na hate ng kanyang mommy Annabelle Rama ang foreigner boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal.

May tsika namang diumano’y may namumuong something special between Donita and Keempee de Leon. Kamakailan lang ay nag-guest sila sa anniversary special ng “Tonight with Arnold Clavio” at si Ara Mina na guest din ang inamin ni Keempee na naging “sila” noong “That’s Entertainment “ days nila.

Guests din sina Snooky Serna at Sunshine Cruz sa “Celebrity Bluff” na nagsabing parehong makulay ang kanilang mga lovelife. Isang dating politician ang boyfriend ni Snooky. Si Macky Mathay naman ang BF ni Sunshine.

Nag-sakripisyo

Nakakabilib ang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao . Isinakripisyo niya ang kanyang trabaho para lamang maalagaan ang boyfriend niyang vlogger at former PBB housemate na si Wil Dasovich.

Na-diagnose si Wil na may stage 3 colon cancer. Sa US siya nagpagamot. Sinundan siya roon ni Alodia para alagaan siya at bigyan ng moral support.

Magaling na ngayon si Wil. Itinampok sa “Magpakailanman” ang kanyang life story na directorial debut ni Marvin Agustin. For a first timer, pasado si Marvin. Nagamit niya ang pinag-aralan niya sa crash course sa Film Making sa New York.

Sina Tom Rodriguez at Janine Gutierrez ang gumanap bilang Wil at Alodia.

comments