Home » Entertainment » Kris surprises Kim Chiu with birthday flowers

Kris surprises Kim Chiu with birthday flowers

By GLEN P. SIBONGA

Espesyal para kay Kris Aquino si Kim Chiu, na itinuturing niyang little sister along with Erich Gonzales. Tine-treasure ni Kris ang friendship nina Kim at Erich dahil hindi raw nagbago ang dalawa through the years kaya full support siya lagi sa kanila.

Untitled-2 copy

Nalalapit na ang 28th birthday ni Kim sa April 19 kaya naman pinadalhan ni Kris si Kim ng special bouquet of flowers.

Incidentally, ka-birthday ni Kim ang bunsong anak ni Kris na si Bimby, who turns 11 naman sa April 19.

Ipinost pa ni Kris sa kanyang Instagram (@krisaquino) ang picture ni Kim (@chinitaprincess) hawak ang flowers, kasama ang caption na: “@chinitaprincess will always be special. We sent our birthday flowers yesterday (ordered them from @petalier_before we left)… when i woke up i saw she sent me a pic saying thank you. To Bimb’s ka-birthday, here’s to LOVE, LAUGHTER, and of course- happily ever after. Up or down, busy or not- saan man ako, her love & concern for me never changed. That’s why i know she’s the real deal. Happy birthday Kimmy (19 April 1990) WE LOVE YOU!!!”

Nasa Tokyo, Japan ngayon si Kris kasama ang mga anak niyang sina Josh at Bimby pati na si Yaya Bincai at ang kanyang Team KCAP (Kris Cojuangco Aquino Productions). Doon nila ipagdiriwang ang birthday ni Bimby. Bago ito, nanggaling sila sa Osaka para sa endorsement shoot ng Asvel, ang bagong houseware at food storage products na ineendorso ni Kris. Nasa Japan kasi kasi ang main factory at showroom ng Asvel.

For sure pagbalik ni Kris sa Pilipinas from Japan ay mag-sponsor siya ng block screening para sa bagong movie ni Kim na DOTGA: Da One That Ghost Away, na showing na sa mga sinehan nationwide simula sa April 18.

comments