Home » Entertainment » Sharon rest muna sa social media, cellphone

Sharon rest muna sa social media, cellphone

By Robert R. Requintina

Pansamantalang nagpaalam si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang mga pamilya, kaibigan at fans upang magpahinga muna sa social media at pati na rin sa paggamit ng cellphone.

“Dear family and friends, I am not just resting from social media but am turning my cellphones off. I want to rest.

You know who to text/call/email if I know you. Thanks for understanding,” ayon sa post ni Sharon sa kanyang Facebook.

Hindi sinabi ni Sharon kung kailan sya magre-resume sa social media at kung kailan nya uli gagamitin ang kanyang mga cellphones.

Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng kanyang mga fans. May iba sinusuportahan sya sa kanyang gagawin at ma-mi miss sya pero ang iba naman ay hindi naiintidihan ang kanyang gagawing leave sa social media.

Nauna rito, nagpost rin sya ng kanyang video mula sa Davao at sinabing mawawala sya sa social media “for some time.”

“Hello from Davao! I love you guys. Am taking a break from social media for a while. I will be thinking of you and you will be in my heart everyday. I’ll be back!;

“Working on something…you’ll be hearing about it soon for sure! And you’ll still be hearing from me every once in a while so don’t worry – we won’t miss each other too much;

“Will be guesting on ‘I Can See Your Voice’ soon, so I hope you can watch that too! And of course, your favorite ‘YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR: KIDS’ will be with you real soon!;

“Huwag din po sana papalampasin ang grand finals ng PILIPINAS GOT TALENT!!! God bless all of us, remember I love you all! Forever grateful,” ayon kay Sharon.

Noong April 2, na-operahan si Sharon dahil sa lipoma sa kanyang batok. Ok na sya ngayon at nakapag-taping na rin uli sya sa ABS-CBN.

comments