Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Mahilig manuod ng porn

Mahilig manuod ng porn

by Alex Calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!


Hi Alex,

May sasakyan ako at madalas akong magpa-gas. Sa gasolinahan, madaming pagpipilian, Diesel, Unleaded at Premium Gas. Ano ba ang pagkakaiba nila?

Nardo ng Pasay

Hi Nardo,

Ang pagkakaiba nila ay presyo, yun lang! Mura ang diesel, mahal ang Premium Gas!


Hi Alex,

May asawa na ako pero mahilig pa rin ako manuod ng porn sa laptop. Ang dami ko ng na-download na porn, kadalasan puro Japanese. Ang problema ko, ginagamit din ng misis ko ang laptop. Hindi niya alam na mahilig ako manuod ng porn. Natatakot ako na baka makita niya ang mga files ko ng porn. Gusto ko na tuloy delete! Ano ba ang gagawin ko para hindi niya makita ang mga porn ko?

Gerry ng Alabang

Hi Gerry,

Teka, wag mo delete, sayang, pinaghirapan mo yan eh! Save mo sa USB, padala mo sa akin! Joke lang! Simple lang ang solusyon dyan sa problema mo! Gumawa ka ng folder sa laptop at pangalanan mo ng National Heroes. Tapos dun mo ilagay lahat ng porn mo. Palitan mo ang filename ng mga pangalan ng mga heroes. Hindi niya bubuksan yun! Ganyan ang ginawa ko eh!


Hi Alex,

Nabanga ko ang kotse ng mister ko at hindi pa niya alam hanggang ngayon kasi out-of-town siya kasama ang bunso namin. Hindi ko alam ang sasabihin kapag bumalik siya dahil siguradong magagalit yun. Mahal na mahal niya ang kotse niya at alagang-alaga niya ito. Halos linggo-linggo niyang pinapa-carwash, may takip, halos sambahin niya. Bagong ceramix wax pa naman ito at sobra ang kintab. Ano kaya ang gagawin ko para hindi siya magalit?

Sophia ng Greenhills

Hi Sophia,

Ngayon lang ako naka-encounter ng babae na takot magalit ang mister niya. Ano ka ba naman, babae ka, ang dami mong pwedeng gawin para hindi magalit sa’yo ang mister mo! Una, kapag nagalit siya at mas binigyan niya ng importansiya ang kotse, sumbatan mo! Sabihin mo, bakit, nung nanganak ka, diba parang nasira rin ang katawan mo, sinumbatan mo ba siya! Kapag hindi nag-work yun, pakita mo boobs mo! Siguradong mawawala galit niya! Tapos papiliin mo, kotse o ako! Tignan lang natin!


Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

comments