Home » Opinion » The Sexy Mind Answers » Ano ba ang lasa ng ari ng babae?

Ano ba ang lasa ng ari ng babae?

By Rica Cruz

Hi Ms. Rica,
Na-curious po ako kung ano ang lasa ng vagina. One time po kasi medyo gusto ko pong tikman. Mayroon po ba akong makukuhang sakit kung “tumikim” ako ng vagina?

Thanks,

Mr. Curious Boy

Hi Mr. Curious Boy,
Kudos to you at iniisip mo ang kalusugan mo bago ka pa man gumawa ng isang bagay.

If you and your partner are healthy and the vagina and tongue are uncut (o walang sugat), maliit ang chance na makakuha ng sexually transmitted infection through oral sex.

Pero, hindi ibig sabihin na ito’y imposible. Kung mayroon kang sores or scrapes sa iyong bibig (i.e. singaw o malilit na cut), pwede itong maging daanan ng virus and bacteria into the blood stream. So, unless sobrang sigurado ka, na 100 percent mong alam na walang sakit ang iyong partner, mas makakaiging gumamit ng proteksyon during oral sex.

Anu-ano bang mga sakit ang pwede mong makuha from doing unprotected oral sex? STIs such as gonorrhea, syphilis, chlamydia, at kahit HIV, ay pwedeng makuha through contact of bodily fluids. Herpes and human pappiloma virus ay pwede rin makuha through oral sex. Kahit na hindi ito madalas na nangyayari, ang importante ay alam mo na pwede pa rin itong makahawa, kaya mas mainam na alam mo rin paano maprotektahan ang iyong sarili.

Para naman sa lasa ng vagina. Iba-iba ang mga nasasabing lasa nito. Ang normal pH ng vagina ay slightly acidic – parang red wine o kaya lemon.

Pero madaming nakakaapekto sa lasa ng vagina – sabi ng iba, kapag malapit na ang period ng babae, nagiging lasang iron ang kanilang vagina. Meat and other alkaline-based food can also make the vagina taste more bitter or mapakla at mapait.

Madaming iba’t ibang lasa ang sinasabi tungkol sa vagina. May mga taong gusto ito, mayroon din namang ayaw.

So depende talaga sa ‘yo kung ano ang iyong maging experience with your girlfriend. Kung gusto mo magkaroon ng flavor ang pagtikim, pwede kayo gumamit ng mga flavored lubricants at condom for oral sex enhancement. Good luck! #takeitfromthesexymind

With love and lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me atwww.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

comments