Home » Entertainment » Glaiza sophisticada naman

Glaiza sophisticada naman

By Ruel J. Mendoza

Dumaan na sa maraming pagbabago ang character ni Glaiza de Castro na si Bea sa afternoon teleserye ng GMA-7 na Contessa.

30glaiza foto copy copy

Mula sa api-apihan na si Beatrice Resureccion, siya na si Contessa Venganza.

Bukod sa panibagong kulay ng kanyang buhok at kulay ng mata, nagkaroon din ng intensive training ang aktres for target shooting at para sa martial arts na Muay Thai.

Sa bagong pagkatao kasi ni Bea as Contessa, kailangan niyang maging mas matapang at mas malakas para hindi siya mahihirapang matupad ang kanyang paniningil sa Imperial Family na kinabibilangan nina Chanda Romero (Donya Charito), Gabby Eigenmann (Vito) at Lauren Young (Daniella).

“Nagsunod-sunod na ako ng training before pa kami mag-taping.

“So, na-apply ko ngayon ‘yung turo sa akin ng coach ko, na-apply ko ‘yung tamang suntok at ‘yung tamang galaw.

“Lahat nang ipagawa nila sa bagong pagkatao ni Bea as Contessa ay gagawin ko talaga. If it means sacrificing my hair, walang issue sa akin.

“Siyempre ‘yung totoong personality mo ilalayo talaga eh.

“Eh, si Contessa very sophisticated and very articulate. Lahat ng iyon ay hindi ako. Hindi gano’n si Bea dati.

“Sobrang invested ‘yung mga tao sa paghihirap ni Bea, ‘di ba? Ngayon, parang feeling ko makakasabay sila since kasama sila doon sa journey

“Makakasabay din sila doon sa revenge ni Bea, kung paano siya bumangon at maniningil ng mga utang sa pamilyang Imperial,” sey ni Glaiza.

Marami nga ang pumuri sa fierce na buhok ngayon ni Glaiza at may mga nainggit at gagayahin daw nila ang “Contessa Look”

“’Yung color ng hair, ‘yung style, collaboration po siya between the stylist, the makeup artist, and me, and the production.

“’Yung commitment ko nandito ngayon sa project na ito.

“Kailangan full focus ako sa pagbabago ng character ko,” pagtapos pa ni Glaiza de Castro.

comments