Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Kapag may alak, may balak

Kapag may alak, may balak

By Alex Calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,
Ano ba talaga ang tamang sukat ng basketball shorts, mahaba o maiksi?
Tony ng Pasay

Hi Tony,
Noong panahon ng Toyota at Crispa sa PBA, maikli ang mga shorts. Si Michael Jordan lang naman ang nagpauso ng mahabang shorts habang naglalaro pa siya sa Chicago Bulls sa NBA. Ano ba talaga ang tamang sukat, maiksi dapat kaya nga shorts eh! Sa mga hindi naka-gets, problema niya na yan!

Hi Alex,
Sabi nila, third world country daw ang Pilipinas kasi nahuhuli tayo pagdating sa technology. Kahit daw sa pagawa ng tulay at mga building, huli daw tayo. Totoo ba yun Kuya Alex?
Mario ng Makati

Hi Mario,
Hindi totoo yan! Matindi tayo pagdating sa technology! Tayo lang ang may MRT na naghihiwalay! Wala sa ibang bansa niyan! Tayo lang din ang may mga tulay na binabaha ang ibabaw! Hindi nila kaya yan! Iba pa rin ang Pilipinas!

Hi Alex,
Mataba po ako at sabi nila, para daw magmukha akong payat, magsuot daw ako ng itim o kaya ay vertical stripes! Totoo po ba yun?
Rachel ng Sampaloc

Hi Rachel,
Hindi totoo yun! Kapag mataba ka, mataba ka talaga! May mga balyena na kulay itim pero balyena pa rin sila. May baboy damo na kulay itim, pero baboy pa rin sila! Kung gusto mo pumayat, exercise at diet, hindi sa kulay ng damit! Pero kung ayaw mo, OK lang yan! Hanggang masaya ka, walang problema! Payat ka nga tapos malungkot ka naman dahil palagi kang gutom, di bale na lang!

Hi Alex,
Bakit po ang sama ng lasa ng alak pero marami ang umiinom nito?

Nonie ng Dampalit

Hi Nonie,
Pangit ang lasa ng alak kasi dapat dumaan ka muna sa matinding pagsubok bago mo makamtam ang isang bagay. Ano ang ibig kong sabihin, kapag uminom ka kasi ng alak, gagaan ang pakiramdam mo, mawawala ang problema mo. Kapag may kasama kang chicks, kahit hindi siya masyadong maganda, uminom ka lang ng alak, gaganda na. At ganun din kapag hindi ka gwapo, painumin mo lang ng alak ang chicks mo, gwagwapo ka! Kaya nga may kasabihan na kapag may alak, may balak!w

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.comfacebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

comments