Home » Entertainment » Jerome John thankful sa ex ni Martin

Jerome John thankful sa ex ni Martin

By DANTE A. LAGANA

MAY bagong lovelife na pala ang dating singer-actor at model na si Jerome John Hughes na naka-base na sa Las Vegas USA.

Untitled-13 copy

Biniyayaan si Jerome sa first wife niya ng dalawang anak, lalaki at babae na nakaprofile pic sa kanyang Facebook account. Sa bio ng FB niya nakalagay “Proud father of two. Blessed to have been given a 2nd life. Continue to be a positive light to everyone.”

Nakapost din doon ang picture nila ng nababalitang gf niya na si Katrina Ojeda na may caption na “with my girl.” Si Katrina ay naka-base rin sa Las Vegas at siya rin ang dating karelasyon ni Martin Nievera at nagkaroon sila ng anak na lalaki na carbon copy ni Martin.

Nagkaroon ng pagkakataon makausap ng TEMPO si Jerome about his gf, “my lovelife is amazing and feel like I’ve met the woman that I enjoy spending time with. She’s someone that I was. I’m expecting to fall in love with because I was’nt looking for love but turned out to be my perfect match,” ang sagot niya.

Thankful din si Jerome kay Katrina Ojeda nang ipost din niya ito sa Facebook last April 4 noong may pinagdaanan siya sa kanyang health at ito ang caption:

“2 years ago, April 4, 2016 – 6:00pm I suffered a cardiac arrest and died. I will forever be grateful to Katrina for being there for me and called for help and eventually revived and saved me. I have been blessed with a 2nd life and want to remember this day as my 2nd birthday. I am able to spend more time with my two beautiful children and also spend more time with my family and loved ones. Thank you Lord for allowing me to be in this world a little longer.

Don’t take your life in this world for granted because you never know when it’s your last. Spend more time with the people that mean a lot to you and be a positive light to everyone around you and help as many people as you can. That’s all that’s asked of us.”

Matatandaang nakilala si Jerome nang umawit siya noon sa theme song ng fantaserye ng unang “Encantadia.” Kasunod nito ang pagkakaroon ng album na “Jerome John Hughes, We Could Be In Love.” Nakapaloob doon ang cover song na movie theme song na “Let The Love Begin” with R&B Princess Kyla. Siya rin ang umawit ng “Pagbigyan ang Puso” na movie theme song noon ng “Mano Po 3: My Love” with Karylle.

comments