Home » Entertainment » Timing » Hiwalayang Gerald at Bea, pinagdududahan

Hiwalayang Gerald at Bea, pinagdududahan

By Rowena Agilada

Pinagdududahan ang tsikang diumano’y break na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Sa isang interbyu, sinabi ni Bea na sa ngayon ay hindi “sila” ni Gerald. Technically single raw siya.

Untitled-3 copy

Pero ani Bea, nag-uusap naman sila ni Gerald. Okey naman sila. Duda ng karamihan, hindi raw kaya dahil may ipalalabas na pelikula si Bea, kaya kuno’y break na sila ni Gerald? Showing on May 16 ang “Kasal” sa mga sinehan nationwide.

Sina Paulo Avelino at Derek Ramsay ang co-stars ni Bea. Hindi kapani-paniwala kung ili-link si Bea either kay Paulo o kay Derek. Parehong “taken” na ang dalawa.

May pa-effect pa si Gerald na aniya, big fan siya ni Bea at teen-age crush niya ito. Most passionate person daw ito at hardworking . Itse-cherish daw niya every moment with her. Winish pa ni Gerald si Bea ng good luck sa movie nito (“Kasal”).

Abang-abang na lang after maipalabas ang “Kasal” sa tunay na estado ng relasyon nina Gerald at Bea.

Reunited

Grand comeback movie ni Bea Alonzo ang “Kasal” para sa 25th anniversary ng Star Cinema. Huling pelikula niya ang “How To Be Yours” with Gerald Anderson in 2016.

Reunion movie naman nina Bea at Derek Ramsay ang “Kasal.” Una silang nagkatrabaho sa “A Love to Last” in 2009. Ani Bea, na-miss niya si Derek sa mga pelikula ng Star Cinema. Star leading man ito. “He was born to be (leading man).

Masarap, magaan siya katrabaho,”she said.

Ayon naman kay Derek, he has always been a big fan of Bea. Sa mga naka-work niyang aktres, si Bea ang number one leading lady. Hindi kaya ma-offend ang ibang aktres na nakatrabaho ni Derek?

Ex-boyfriend ni Bea ang role ni Derek sa “Kasal,” directed by Ruel Bayani. Si Paulo Avelino ang nakatakdang pakasalan ni Bea. Pero magkakaroon ng conflict sa muling pagkikita nina Bea at Derek.

Asked Derek kung hudyat na ba ng pagbabalik niya sa ABS-CBN ang paggawa niya ng pelikula sa Star Cinema, aniya step by step muna. Parang roller coaster ride ang feeling niya sa ngayon. “Let’s see what’s in store for me. ABS-CBN made me . I want to work again with them. Hopefully, a teleserye with Bea (Alonzo).”

comments