Home » Opinion » The Sexy Mind Answers » She loves me more than I love her

She loves me more than I love her

By Rica Cruz

Hi Ms. Rica,
Kailangan ko po ng advice niyo tungkol sa girlfriend ko. Sabi niya po na mas mahal niya ako kaysa sa mahal ko siya, at dahil doon, she needs to break up with me daw po. Hindi daw po siya masaya na may mga pagkukulang ako. I’m happy naman po with our relationship and I want her to be happy too, hindi ko lang po alam kung anong gagawin. Hope you can help me po.

Happy but Sad Boyfriend

Dear Happy but Sad Boyfriend,
Mukhang masaya ka sa relasyon niyo, pero iba ang nararamdaman ng girlfriend mo. Sa kwento mo, mukhang may mga gusto siya mula sa iyo na hindi niya nakukuha kaya mas ginugusto niya na itigil muna ang relasyon ninyo.

By definition, if a partner says it’s over, ibig sabihin, tapos na ang relasyon niyo. Pero, kung sa tingin mo ay pwede pang maayos ang relasyon niyo at matugunan ang mga pagkukulang mo, you may want to talk to her about this.

Kung willing naman ang girlfriend mo to work with you para ayusin ang relasyon, then you have to be prepared to listen to her. Tanungin mo siya kung ano ba ang mga wants and needs niya galing sa iyo na hindi niya nakukuha.

Baka rin mas makabuti na isipin mo rin kung ano ang iyong wants and needs from her. Sa pag aayos ng iyong relasyon, kailangan malinaw sa inyong dalawa kung ano ang gusto niyo at ineexpect niyo from each other.

To help you think about your relationship, may mga tanong na pwede mong pagnilaynilayan: 1. How do you feel about her?

2. Mahal mo ba talaga siya o baka naman kumportable ka lang sa inyong relasyon kaya ayaw mo siyang mawala?

3. Nakukuha mo ba ang iyong mga wants and needs from your relationship?

4. Ano pa ba ang willing kang gawin para mapasaya siya?

If you feel na gusto mo at kaya mo talaga ipakita at gawin para sa kaniya ang mga gusto niyang makuha from your relationship, then I suggest that you tell her that as well.

Sa bawat relasyon, magkakaiba talaga ang willing ibigay ng bawat isa, ang importante ay marunong kayong magbalanse ng mga ito. Hindi pwedeng isa lang ang bigay nang bigay, at ang isa naman ay kuha nang kuha. Kaya mas makakaigi kung alam niyo kung ano ang nakukuha niyo sa isa’t isa at kung ano rin ang willing niyong ibigay.

Kapag may conflict sa mga ito, tanungin niyo ang isa’t isa kung mas makakabuti bang ayusin pa ito, or maghiwalay na lang.

Mahirap itong gawin, pero para sa isang taong hindi na masaya, it may be better to leave the relationship kaysa mas maging miserable because it’s not working.

Mahirap itong gawin, kaya kung ano man ang maging desisyon niyo pagkatapos niyo magusap – work on it or call it quits, I wish you both, peace, and happiness.

#takeitfromthesexymind.

With love and lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me atwww.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

comments