Home » Entertainment » Timing » Bea Binene, may secret admirer

Bea Binene, may secret admirer

By Rowena Agilada

DUMATING na sa Pilipinas si Sarah Geronimo mula sa kanyang US concert tour at magkasama sila ni Matteo Guidicelli sa surprise birthday party ni Ryan Agoncillo for his wife, Judy Ann Santos. Ginanap ‘yun sa isang resto-bar sa Bonifacio Global City.

Untitled-6 copy

Juday turned 40 years old on May 11 at sa eve ng kanyang birthday ay binigyan siya ng surprise birthday party ni Ryan. Kagagaling lang ng mag-asawa mula sa kanilang bakasyon sa Europe kung saan nag-celebrate ng kanyang 38th birthday si Ryan. Isinabay na rin ang celebration ng kanilang wedding anniversary on April 28 at pre-birthday celebration ni Juday.

Bukod kina Sarah at Matteo, ang iba pang well-wishers ni Juday ay sina Angelica Panganiban, direk Joyce Bernal, direk Dante “Ga” Garcia, Ogie Alcasid, Iza Calzado and boyfriend Ben Whintle, Jericho Rosales and wife Kim Jones, Alden Richards, among others. Siyempre, present ang mommy Carol ni Juday and her siblings Jeffrey and Jackie.

Isasapelikula

Planong isapelikula ni Nora Aunor ang kanyang life story. Sa isang interbyu, sinabi niyang three parts ‘yun. Iniisip pa niya kung sino ang mamamahalang direktor.

Anang superstar, gusto niyang maging inspirasyon sa lahat ang istorya ng kanyang buhay, mula pagkabata hanggang pagtanda niya. She’s turning 65 years old on May 21. Wala pa siyang plano sa kanyang birthday na aniya, kung sino na lang ang makaalaala.

Anyway, advanced Happy Birthday!

Secret admirer

Sino kaya ang mystery guy na nagpapadala ng bouquet of flowers kay Bea Binene? Pinaghinalaan ng AlDub fans na galing ‘yun kay Alden Richards, kaya naba-bash si Bea.

Nilinaw niyang hindi galing ang bouquet of flowers kay Alden. Ipinagdiinan niyang magkaibigan lang sila at masaya sila bilang friends.

Bakit kasi hindi pangalanan ni Bea kung sino ang nagbibigay sa kanya ng bouquet of flowers para matigil na ang ispekulasyon na galing ‘yun kay Alden?

Sino nga kaya ang secret admirer ni Bea?

Magni-ninang?

Ano nga kaya kung totohanin ni James Yap na kuning ninang si Korina Sanchez sa binyag ng second baby nila ni Michela Cazzola? Payag naman daw ang misis ni Mar Roxas.

Curious ang netizens sa magiging reaction ni Kris Aquino, sakaling maging magkumare at magkumpare ang misis ni Mar Roxas at ex-husband niyang si James.

Hindi nagustuhan ni Kris ang pag-feature ni Korina sa “Rated K” ng happy family ni James. What if, totoo ngang magnininang si Korina sa second baby nina James at Michela?

comments
  • randyblue

    si boses ipis walang karapatang mag bida huh,,,,,bea boleklek bwaaaaaaaaa