Home » Entertainment » Timing » Gary Valenciano, nakalabas na ng hospital

Gary Valenciano, nakalabas na ng hospital

Gary Valenciano and Angelli Pangilinan-Valenciano

Gary Valenciano and Angelli Pangilinan-Valenciano

by Rowena Agilada

Good and bad news ang bumulaga last Saturday (May 12). Good news na buntis na si Heart Evangelista sa first baby nila ni Senator Chiz Escudero. She’s due to give birth in February next year. Birth month ‘yun ni Heart na February 14 ang kanyang birthday.

February 15 naman ang kanilang wedding anniversary. Ikinasal sila on February 15, 2015 sa Balesin Island sa Quezon province. Bale triple celebration ang mangyayari sa February next year. Apat pala, kasali na ang Valentine’s Day.

Napag-alaman namin na ‘yung Dior baby pajama na hawak ni Heart na ipinost niya sa socmed ay nagkakahalaga ng more than R18K. May kasama ‘yung baby hat. Bongga! Hindi pa nga lumalabas ang kanyang baby, naka-ready na ang susuutin nito.

To Heart and Sen. Chiz, congratulations!

Namatay
Bad news naman ang pagkamatay ni Cheng Muhlach noong Sabado (May 12). Father siya nina Aga, Arlene, Almira, AJ, Andrew at Barok (anak ni Cheng sa former sexy star na si Beth Bautista). Our condolences sa mga naiwan ni Cheng.

Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid na ang panganay ay ang dating aktres na si Amalia Fuentes, sumunod si Alex na daddy ni Niño Muhlach. Na-stroke si Amalia a few years ago habang nagbabakasyon sa Korea. Diumano, bedridden, pero maayos-ayos na raw ang kalagayan ni Amalia.

Nakalabas na
Good news din na nakalabas na ng hospital si Gary Valenciano noong May 13 (Mother’s Day). Nasa bahay na si Gary V. at nagpapagaling matapos siyang sumailalim sa heart bypass surgery.

Ayon sa wife niyang si Angeli, God is really good. Mabilis ang recovery ng kanyang husband.

Magandang Mother’s Day gift sa kanya ang paglabas ni Gary sa hospital noong mismong Araw ng mga Ina.

Inspiration
Touching ang message ni Kobe Paras noong Mother’s Day para sa kanyang mama Jackie Forster. “I will never ever let you go. Ever. You’re my inspiration and my motivations, mama. Happy Mother’s Day ,ma!” bahagi ng post ni Kobe.

Aniya pa, he never felt so complete in his life at best thing ever ang matawag niya itong mama. Pinasalamatan niya si Jackie na ipinaglaban sila ng kanyang kuya Andre at hindi sila sinukuan nito.

Twelve years hindi nagkita ang mag-iina, kaya sobrang na-miss ni Kobe ang kanyang mama Jackie. Nakaka-good vibes ang mga post niya sa socmed.

comments