Home » Entertainment » Actor hiniwalayan ng jowa dahil nakabuntis ng ibang babae

Actor hiniwalayan ng jowa dahil nakabuntis ng ibang babae

By LAILA CHIKADORA

GUESS da who itong not so young yet not so old actor na ito na not so old also sa showbiz pero talaga namang madadala ka sa galing ng acting!

Marami ang humanga sa pag-arte ng aktor na ito na kahit na bagito ay pinagkatiwalaan ng mga producer at napasali sa isa sa mga pelikula sa MMFF last year.

Madami na din siyang mga indie films na nagawa at patok din siya sa supporting roles sa mga serye.

Sa serye din niya nakilala ang make-up artist na naka-fling niya! Ok lang naman mag-fling fling kung wala sana siyang long time girlfriend.

Ilang years na din sila ng nasabing non-showbiz jowa. Galing si ate mo sa isang yayamanin at nirerespetong pamilya in the south. 

Hindi ata kinaya ng aktor ang long distance relationship kaya napagbalingan niya ang nagme-make-up sa kanya at nabuntis niya ito.

Ilang buwan nang preggy si ate make-up artist nang mabuking ng tunay na jowa ng aktor na may iba pa palang inii-stroke ng brush niya!

Tuluyan nang hiniwalayan ni rich gf si aktor at ang make-up artist naman ay naglahong parang bula. Bulong ng mga insider, nabayaran si ate make-up artist para hindi na kumuda sa publiko tungkol sa kalokohan ng aktor.

comments