Home » Entertainment » Timing » Alden, muntik nang bumigay

Alden, muntik nang bumigay

Untitled-3 copy

By Rowena Agilada

MAY ipinapahanap na naman si Willie Revillame sa staff ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Ang teen-age single mom na kasali sa “Will of Fortune” segment ng “Wowowin” na nagngangalang Rang ay hindi pa nakikita ang kanyang ina since ipinanganak siya.

Iniwan siya nito sa kanyang tatay at sumama sa ibang lalaki. Maski sa larawan ay hindi pa niya nakikita ang kanyang ina, kaya nanawagan siya sa “Wowowin” na magpakita naman ito sa kanya.

Sa edad na katorse ay naging ina si Rang. Hindi siya pinanagutan ng lalaking nakabuntis sa kanya. One year old na ang kanyang baby. Nakadalawang anak na siya. Three months old ang second baby niya na 62 years old ang ama, pero namatay na ito.      

Nahanap noon ng team ng KMJS ang nanay ng isang teen-age girl na ipinaampon nito sa ibang babae. Naging contestant din ‘yun sa isang segment ng “Wowowin.” Siguro naman, matutulungan din ng team ng KMJS mahanap ang ina ni Rang na ayon sa kanyang ama ay nasa Visayas.
 
Bakasyon

Nagbakasyon sa Balesin Island sa Quezon province sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Doon nag-celebrate ng kanyang 37th birthday si Dennis on May 12, kasama ang kanilang respective families. Doon na rin sila nag-celebrate ng Mother’s Day. Sa May 15 naman ang 31st birthday ni Jennylyn.

Kasal na lang ang kulang sa kanilang relasyon. Sinasabi naman ni Dennis sa mga interbyu sa kanya na si Jen na ang gusto niyang pakasalan. If and when, abang-abang na lang.

Samantala, busy-bisihan si Jen sa taping ng “The Cure.” Intense ang mga eksena lalo pa’t nagwawala na ang mga taong nabiktima ng kumakalat na virus. Ang asawa niyang si Tom Rodriguez (as Greg) ang idinidiing nagnakaw ng mga gamot na ang mga taong naturukan nito’y nangangagat at nagkakaroon ng rabies.

Muntik
bumigay

Muntik nang bumigay si Alden Richards sa “Eat Bulaga” nang tanungin siya kung ano’ng nami-miss niya sa yumao niyang mommy. He was 16 years old noong namatay ito.

Ani Alden, nami-miss niya ang sinigang (hindi niya binanggit kung isda, baboy, hipon or what) na paborito niyang niluluto ng kanyang mommy. Sarap na sarap siyang kumain, lalo na’t pinupuno nito ng sabaw ang kanin. 

Nami-miss din niya ang mga yakap, halik at bulong sa kanyang tenga ng mommy niya. Kung merong line to heaven, sasabihin daw niya, “Bumalik ka na, Ma!” For sure, naka-relate ang mga ulila na sa ina (kabilang kami). Nakaka-sad at nakaka-miss naman talaga. 

comments