Home » Entertainment » Bea on Gerald: ‘May pinagdaraanan kami’

Bea on Gerald: ‘May pinagdaraanan kami’

By Robert R. Requintina

INAMIN ng aktres na si Bea Alonzo na may pinagdaraanan sila ngayon ng rumored boyfriend niyang si Gerald Anderson.

“We’re talking. May pinagdaraanan kami but we’re talking. May mga inaayos. And kanina pinag-uusapan natin bago pa may camera, it becomes a choice,” ayon kay Bea nang tanunging siya tungkol sa status ng relasyon niya kay Gerald sa interview sa “Tonight With Boy Abunda” sa ABS CBN.

“I think it’s what I’ve learned. Habang tumatanda kayo, it becomes a choice. Ang pinaka-importante lang is kung hanggang saan ang papanindigan ninyong choice.

“Kasi in love, pain is inevitable. The moment you choose to fall in love, you choose to experience pain.

“And I think it all boils down to who you want to experience all of that for. Feeling ko doon nag-go-grow ‘yung relationship ninyo. Ang love hindi naman puro saya eh. Pag mas marami kayong pinagdaanan, mas stronger ang relationship.

“Kailangan paminsan-minsan meron kayong pagdaraanan at paminsan-minsan may matutunan kayo out of all those things na pagdaraanan ninyo.

Tinanong si Bea kung ano ang best quality ni Gerald. Sagot ng aktres: “He’s a very responsible man. He is responsible pagdating sa pamilya n’ya, sa mga kaibigan n’ya, sa mga kasama n’ya.”

“Lalaking-lalaki s’ya in a sense na tipong he lets me talk about my feelings. But minsan lang siyang magsasabi ng nararamdaman niya. He communicates sa ibang paraan hindi lagi sa salita,” dagdag pa ni Bea, star ng pelikulang “Kasal.” Kasama rin sa pelikulang ito sila Derek Ramsay at Paulo Avelino.

Nang tanuning kung nahanap na ba niya ang lalaking pakakasalan niya, ani Bea: “I don’t know. I don’t know.”

Matatandaang na-unfollow ni Bea si Gerald sa kanyang Instagram noong April.

Dito nabuo ang spekulasyon ng mga fans na may hindi magandang pagtitinginan ang dalawang Kapamilya stars.

Pati na rin si Pia Wurtzbach, katambal ni Gerald sa pelikulang “My Perfect You,” ay nadawit at hindi na rin na-unfollow ni Bea.

Bago lumipad si Gerald papuntang Europa, nasabi niya sa isang interview na wala namang problema sa love life niya sa ngayon.

“Ayos naman, steady naman,” ayon kay Gerald.

comments