Home » Entertainment » Korina okay lang maging ninang ng anak nina James at Michela

Korina okay lang maging ninang ng anak nina James at Michela

By ROBERT R. REQUINTINA

HINDI pa man nagkaka-ayos sina Kris Aquino at Korina Sanchez ay pihadong may isang balita na naman na magpapakulo ng dugo sa dating presidential daughter.

Untitled-4 copy

Ayon sa mga balita kamakailan lamang, tatanggapin daw ni Korina ang alok ng basketball star na si James Yap at ang Italian girlfriend nitong si Michela Cazzola na maging ninang ng pangalawang anak nila sakaling lapitan siya ng dalawa.
“Tatanggapin ko,” ayon kay Korina nang makausap siya ng entertainment website Pep kamakailan lamang.

Matatandaang nagsimula ang hindi pagkakakaunawaan nila Korina at Kris nang ipinalabas ni Korina sa kanyang magazine show na “Rated K” sa ABS CBN ang interview sa bagong pamilya ni James Yap.

Ayon sa kampo ni Kris, nananadya raw si Korina dahil alam naman daw nito na iritang-irita siya kay James dahil ginagamit lang daw ng dating asawa ang kanilang anak para sabihin na siya ay mabuting ama.

Nagkaroon ng anak sila Kris at James nung nagsasama pa sila. Ito ay si Bimby na ngayon ay 11 years old na.

Imbes na patulan ni Korina si Kris, dinedma na lamang niya ito at nag post ng mga positive thoughts sa Instagram.

Nag-sorry na rin si Kris sa paglalabas niya ng sama ng loob at sa pagbanat niya kay Korina.

“I know I’ve unleashed a double edged sword. I know I’ve made enemies, and I’ve also found kindred spirits in MOTHERS who like me have felt that they have had ENOUGH & they had to take a stand & say I AM NOW FIGHTING BACK;

“I also know I have personal demons I need to exorcise because no matter what I still want to be someone my sons can be proud of… so I will collect my thoughts & try my best to forgive regardless of the fact no remorse has ever been shown;

“I apologize for including politics, but that is the unfortunate baggage & responsibility of my last name. But I will not delete any posts because my anger comes from the heart of a mother who has been unnecessarily stepped on by someone who has been blessed w/ a loving & devoted husband & does not know the hardship of having to go it alone,” dagdag ni Kris.

comments