Home » Entertainment » Timing » Cristine at Ali, hiwalay na?

Cristine at Ali, hiwalay na?

By Rowena Agilada

KUNG hindi nag-post sa socmed sina Gerald Anderson at Bea Alonzo ng photos nila na kuha sa Mt. Pinatubo, hindi mabubuking na magkasama pala sila. Chopper ang sinakyan nila. Lalong pinagdudahan na gimmick lang ang hiwalayan nila.

Untitled-7 copy

Sa isang interbyu kay Bea ay sinabi niyang technically single siya. No reaction, no words naman from Gerald.

Sari-saring comments mula sa netizens sa lumabas na photos nina Gerald at Bea na kuha sa Mt. Pinatubo. Natuwa ang kanilang fans and supporters dahil obviously “sila” pa rin. May mga nagsabi naman na gimmick lang ang hiwalayan nina Gerald at Bea dahil may pelikula ang huli, “Kasal” na showing na sa mga sinehan nationwide.

Gimmick man o hindi ang kanilang break-up, maging masaya na lang tayo for Gerald and Bea. Sa “Tonight with Boy Abunda,” sinabi niyang si Gerald ang nakikita niya at hoping siya na pang-matagalan na ang kanilang relasyon.

Hiwalay na?

On the rocks nga ba ang marriage nina Cristine Reyes at Ali Khatibi o hiwalay na sila?

Hindi na pina-follow ni Cristine ang Instagram account ng kanyang husband. Deadma naman si Ali noong Mother’s Day.

Wala siyang ipinost na message para sa ina ng anak nilang si Amarah.

Non-committal sina Cristine at Ali sa ispekulasyon na hiwalay na sila. Hindi naman siguro gumi-gimmick lang sila dahil may pelikulang ginagawa si Cristine.

Tamad

Nangako si Heart Evangelista sa kanyang followers na mag-a-update siya sa socmed ng happenings sa panibagong chapter ng buhay niya. Hindi siya mami-miss ng kanyang fans and supporters kahit bakasyon muna siya sa showbiz ngayong buntis siya sa first baby nila ni Senator Chiz Escudero.

Hanggang makapanganak si Heart, magse-share siya ng mga kaganapan. Nasa paglilihi period pa siya na aniya, tamad na tamad siya at gusto lang niyang matulog nang matulog o manood ng TV.

Obsessed

Gigil na gigil kay Jackie Rice ang viewers ng “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” Sobrang obsessed ang karakter niya bilang Ava kay Marco (Mike Tan). Bina-black mail niya ito emotionally para hindi siya iwan nito. Nagtangka siyang mag-suicide para kunsiyensiyahin ito.

“Ang sarap sabunutan at ingudngod si Jackie. Ipinagsisiksikan ang sarili niya sa lalaking ayaw sa kanya na may asawa’t mga anak na. Kapal ng mukha niya,” sabi ng isang viewer.

In all fairness, carry ni Jackie ang magkontrabida. Napag-re-react niya sa galit ang viewers ng HKKIK.

comments