Home » Entertainment » JC de Vera tatay na

JC de Vera tatay na

By Delia Cuaresma

Tatay na ang guwapong actor na si JC de Vera. Kinumpirma ito ng kanyang manager na si Leo Dominguez Biyernes.

Una ng kumalat ang balita sa social media ilang araw bago ang pagkumpirma ni Dominguez.

Nagsimula ang usap-usapan ng may lumitaw na photo ni de Vera online na may kasamang isang cute na cute na sanggol at isang magandang babae.

Hindi na kinaila ng 32-anyos na binata ang lahat.

Sa statement sinabi niyang “proud” siyang maging tatay.

Nguni’t hanggang doon na lamang ang actor.

Humingi ito ng dispensa sa mga fans dahil nais daw niyang manatiling pribado ang sitwasyon.

Eksplika ni Dominguez, gusto lamang protektahan ni de Vera ang privacy ng kanyang mag-ina.

Non-showbiz ang nanay ng bata.

comments