Home » Entertainment » Sofia Andres, isnabera?

Sofia Andres, isnabera?

By Delia Cuaresma

Laman na naman ng usap-usapan ang batang artistang si Sofia Andres. Diumano’y nang-isnab na naman ang dalaga netong nakaraang MYX Music Awards.

sofia andres

Ang biktima? Mga media.

At para patunayang hindi daw ito kathang-isip lamang ng iilan, nag-upload ng video ng insidente ang isa sa mga witnesses.

Sa video, makikitang pagkatapos mag-pose para sa ilang pictures ay agad umeskapo sa red carpet ang aktres na tila baga hinahabol ng mga maligno.

Makikitang tinatatawag pa si Andres ng ilang journalists na kumo-cover ng event pero tila hindi na niya ito narinig.

To the rescue naman ang mga fans ni Andres. Ani nila nagmamadali lamang ang aktres para sa event kaya’t hindi na napaunlakan ang lahat na gusto siyang makapanayam.

Hindi ito ang unang beses na naakusahan si Andres ng pangde-deadma.

Matatandaang nasangkot siya sa parehong sigalot ilang buwan ang nakalipas kung saan inani nito ang tag na “supladita.”

Agad namang nag-sorry ang dalaga sa kanyang inasal via Instagram.

“Hi everybody, I just want to say sorry, really sorry for those who think that I ignored them, disrespected them, and think I never wanted to say hi or acknowledge them whenever they see me,” sabi ni Andres sa kanyang post.

comments