Home » News » News Roundup » 1 patay sa drug bust

1 patay sa drug bust

By Kate Javier

Patay ang isa umanong drug peddler matapos makipagbarilian sa mga miyembro ng Caloocan City Police sa isang buy-bust operation noong Linggo ng gabi.

Ayon sa police, ang suspect na nakilala lamang sa alias na “Sak” ay nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib at a lower back. Inaalam pa kung nasa drug watchlist siya.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang joint operatives ng city drug enforcement unit at special operation unit sa pamumuno ni Senior Inspector Jervies Soriano laban sa kasama ni Sak na kilala sa alias na “Diablo.”

Tumakbo sina Diablo at Sak nang maramdaman nilang isang undercover cop ang ka-transaksiyon nila malapit sa isang drug den sa Daang Bakal Street, Barangay 59, dakong 8:30 p.m.

Hinabol ng police ang mga suspect ngunit pinaputukan sila ng mga ito. Gumanti ng putok si PO1 Angelo Malate at tinamaan si Sak.

Isinugod si Sak sa Caloocan City Medical Center ngunit ideneklara siyang dead on arrival, habang nagawa namang makatakas ni Diablo.

comments