Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Sindakan lang yan

Sindakan lang yan

By Alex Calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,
May nililigawan ako ngayon. Inlove na inlove ako sa kanya. Hatid-sundo siya sa akin sa bahay nila. Wala akong kotse kaya commute lang kami. Ang problema ko, kapag pauwi na ako galing sa bahay ng nililigawan ko, may asong laging nag-aabang sa akin at hinahabol ako. Ilang beses na akong muntik makagat. Ano ba ang gagawin ko para hindi na ako habulin ng asong ‘to?

Paolo ng Pasig

Hi Paolo,
Unahan mo na ang asong yan. Kapag nakita mo na inaabangan ka, ikaw naman ang manghabol sa kanya. Sindakan lang yan!

Kung di effective, tigilan mo na ang panliligaw sa babae na yan! Madami pang ibang babae na ang mga bahay ay walang asong nanghahabol!

Hi Alex,
Sobrang taba ko na po at gusto ko ng magpapayat. Nagda-diet na po ako ngayon at sinasabayan ng exercise. Nasa grocery ako ng isang araw at nakita ko na may mga iba’t ibang klase pala ng softdrinks na hindi nakakataba, may diet sofdrinks, may zero, at may low sugar. Ano po ba ang magandang softdrinks na inumin na hindi nakakataba?

Issa ng Cavite

Hi Issa,
Wag kang maniniwala dyan sa low sugar, zero or diet sofdrinks na mga yan! Kung ayaw mong tumaba, wag kang uminom ng softdrinks! Tubig, tubig ang inumin mo! Next time na may nag-alok sa’yo ng sofdrinks, basagin mo, yun ang katumbas ng ZERO!

Hi Alex,
Madalas po akong mapagkamalan na naka-wig eh totoo naman ang buhok ko! Twenty years old pa lang ako eh napagkakamalan na ako na naka-wig! Forty five years old na ako ngayon pero akala nila, naka-wig ako! Bakit kaya nila napagkakamalan na naka-wig ako?

Manuel ng Quezon City

Hi Manuel,
Kapag napagkakamalan kang naka-wig mula ng bata ka pa, hindi ka dapat matuwa. Ang ibig sabihin nun, ang buhok mo, mukhang peke! Parang nakapatong lang sa ulo. Pero dahil nasabi mo na forty five years old ka na, wag kang mag-alala, ilang taon na lang at naka-wig ka na talaga. Konting panahon na lang ang titiisin mo at magkakatotoo na ang binibintang nila sa’yo!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.comfacebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

comments