VIGAN CITY (PIA) – Nakahandang tumulong ang Global Alliance for Rabies Control (GARC), isang internasyonal na organisasyong may layuning makontrol ang rabis sa buong mundo, sa programa ng Gobyerno Probinsiyal ng Ilocos Sur para makontrol ang rabis at maging ‘rabies-free’ ang probinsiya.
Mula kay Dr Sarah Jayme, representante ng Pilipinas ng GARC, nalaman ito ng nagsulat na isa sa mga nagtapos ng programa ng GARC na Communicating Health Advocacy Mentorship Program (CHAMP) upang maipalaganap ang mga inpormasyon sa buong Pilipinas na ang rabies ay 99% na nakamamatay ngunit 100% naman na pwedeng makontrol.
Ang GARC ay tutulong sa probinsiya, ayon kay Dr Jayme, na magbibigay ng tulong teknikal para suportahan ang programa ng probinsiya.
Maari din na makikipulong siya sa mga opisyales ng probinsyang nagsasakatuparan sa programa kontra rabis upang maibahagi ang mga sinimulan ng organisasyon ukol sa kaalaman ng komunidad tungkol sa rabis.
Ang paglaganap ng inpormasyon tungkol sa rabies na isa sa mga programa ng probinsya ay naayon sa tema ng World Rabies Day sa taong ito.