Home » Entertainment » Regine Tolentino, sabik sa yakap at holding hands?

Regine Tolentino, sabik sa yakap at holding hands?

By LAILA CHIKADORA

Annulled na sa June si Regine Tolentino sa kanyang estranged husband na si Lander Vera-Perez. ‘Yan ang isa sa mga naikuwento sa amin ni Regine ng huli kaming magkita sa isang event.

regine tolentino

Tinanong namin si Regine kung nahuli ba niya ang asawa na may kalaro sa kama. Say ni Regine na napatawa, “No comment!

Why dont you ask him or her?”

Marami namang aral na napulot si Regine sa relasyon nila ni Lander pero mas masaya daw siya nang walang asawa. “It made me stronger and naging reality check lahat to eh, Ok lang ngayon because wala nang pabigat wala nang negative, so I’m at my happiest,” Ani Regine.

Hindi naman senyales ng moving on para sa Dance Diva ang pag jojowa kaya malayo pa ito sa kanyang isip. ‘Yun nga lang, miss daw niya ang may kayakap!

“In terms of ‘yung romantic feels, ‘yung just may ka holding hands, kayakap, gusto mo mag-post ng mga selfies with a jowa, stuff like that. I get jealous, I have to admit. My kids, may mga nanliligaw na sa kanila I ask where is my prince charming?”

comments