Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Umiihi si Superman

Umiihi si Superman

by Alex Calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!


Hi Alex,

Pasok sa NBA finals ang Cavaliers at Warriors. Nag-aaway kami ng asawa ko kasi Cavaliers siya at Warriors ako. Magcha-champion daw ang Cavaliers dahil malakas masyado si Lebron at hindi ito kayang bantayan ng kahit sino sa Warriors. Ang sabi ko naman mas malakas ang Warriors kesa Cavaliers kasi malakas ang shooting ni Curry, at magaling sina Durant and Thompson. Magaling din ang team defense ng Warriors at walang katulong si Lebron kaya sigurado ako na Warriors ang mag-chachampion! Para sa inyo, sino po ang mag-chachampion ngayong taon sa NBA?

Nadia ng Mandaluyong

Hi Nadia,

Wala akong pakialam sa Cavaliers at Warriors! Lakers ako! Wag mo akong kausapin sa NBA finals dahil matagal na kaming hindi nakakapasok dyan! Playoffs nga hirap pumasok Lakers ko, tatanungin mo pa ako sa Finals! Pinag-iinit mo ulo ko! PBA pinapanuod ko ngayon! Go Ginebra!


Hi Alex,

Araw-araw akong naliligo at madalas ako gumamit ng shampoo. Mahaba po ang buhok ko kaya kailangan shampoo at conditioner araw-araw. Ang tanong ko, saan ako mas makakatipid, sa shampoo na nasa sachet o sa shampoo na nasa bote?

Greta ng Cavite

Hi Greta,

First of all, congrats dahil naliligo ka araw-araw, achievement sa buhay yan! Sa tanong mo namang kung saan mas makakatipid, sa sachet o sa bote, obvious ang sagot dyan. Sa sachet. Kasi sa bote, hindi mo matatantya ang ilalagay mo sa kamay mo. Kapag puno pa ang bote, mayabang ka at ang dami mong nilalagay sa kamay mo, kapag malapit na maubos, halos ga-patak na lang. Sa sachet, para kang gumagawa ng milagro araw-araw. Kapag binuksan mo ang sachet at akala mo napiga mo na lahat, nagkakamali ka, kapag piniga mo ulit, it’s a miracle, marami pang laman! Kaya pang gamitin ng buong pamilya! Kaya pag sa nagswimming kayo, pumunta lang kayo sa shower area, madaming mga sachet na nagkalat na akala mo ubos na, may laman pa pala!


Hi Alex,

Umiihi po ba si SUPERMAN?

Ato ng Sta. Rosa, Laguna

Hi Ato,

OO, umiihi siya. Umiihi siya sa diaper. Bakit siya naka-diaper, nasa labas kasi ang brief niya!


Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

comments