Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Wanted lady arestado

Wanted lady arestado

By Hans Amancio

Nadakip ang itinuturing na 7th most wanted person ng Manila Police District Sta. Ana Police Station (MPD-PS6) sa Makati City noong Sabado ng hapon, ayon sa police report.

Ang suspect na nakilalang si Ivy Flores, 32, ng 2554 Isabel St., Sta. Ana, Manila, ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Benjamin Pozon ng Regional Trial Court Branch 139 dakong 5:20 p.m. sa Sandico St., Makati City.

Kasalukuyang nakakulong si Flores sa PS-6. Si Flores na wanted sa kasong theft ay dinakip na rin noong 2016 matapos umanong magnakaw ng dalawang flat screen televisions sa isang apartelle sa Makati City.

comments