Home » Entertainment » Willie nasorpresa

Willie nasorpresa

By Delia Cuaresma

Hindi inaasahan ni Willie Revillame ang pagbisita sa kanya ng isang fan nitong Biyernes sa set ng “Wowowin.”

Ito’y dahil hindi ito ordinaryong fan lamang, kundi isang matagal na niyang kakilala.

willie

Una rito naglabas ang ginang ng picture na kuha diumano noong bata pa ang host.

Nakilala naman ni Willie ang sarili sa larawan kaya’t tinanong niya ang matanda kung saan niya ito nakuha.

Aniya, “Ako ang nag-alaga sa iyo noong bata ka pa.”

Nagpakilala ang matanda na si Aling Koring.

Sa kuwento nito kasama niya ang lola ni Willie na nagtitinda ito noon sa Talavera, Nueva Ecija.

Napuno ng tawanan sa studio nang ihayag ni Aling Koring na siya ang naghuhugas kay Willie sa tuwing dumudumi ito.

Bumisita daw siya sa set at gusto laman niya makitang muli ang batang inalagaan noon.

“Kaganda-ganda mo nga kako nu’ng maliit. Pogi ka, hanggang ngayon pala’y pogi ka rin,” sabi ni Aling Koring.

Sa tuwa ni Willie, binigyan niya ng P10,000 at jacket ang matanda sabay yakap dito ng mahigpit.

comments