Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » 3 huli sa shabu session

3 huli sa shabu session

By Kate Javier

Kalaboso ang bagsak ng tatlong katao, kabilang ang isang senior citizen, matapos silang mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Caloocan City noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng police ang mga suspect na sina Noel Faballa, 61, tricycle driver; Mark Gallano, 28, painter; at Racquel Magno, 30, pawang mga residente ng Caloocan.

Ayon kay case investigator PO1 Daryl Navarette, wala sa drug watchlist ang pangalan ng mga suspect. Inamin nilang gumagamit sila ng droga ngunit itinanggi nilang nagbebenta sila nito. Base sa initial investigation, nakatanggap ang Police Community Precinct 5 ng isang tawag tungkol sa nagaganap na pot session sa San Flower Street, Barangay 177, dakong 9:30 p.m. Nang rumesponde ang police, nahuli ang tatlong suspect sa aktong sumisinghot ng shabu.

comments