Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Masarap maging bangko

Masarap maging bangko

By Alex Calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,
Mahilig talaga sa basketball ang mga Pinoy. Sa TV, mapapanuod mo, NBA at PBA. May bagong liga pa na MPBL o Maharlika Pilipinas Basketball League. Of course may NCAA at UAAP pa tayo. Kahit na sa mga barangay, may mga pa-liga ng basketball! Mapa-halfcourt or whole court, dinudumog ng tao. Kaya kapag nanunuod ako ng basketball sa NBA o PBA, naaawa ako sa mga bangko or bench player na hindi ginagamit o pinapasok. Makikita mo sa mukha nila na gusto nila maglaro. Nakakaawa talaga sila! Ikaw Kuya Alex, anong gagawin mo kung bangko ka sa isang team?

Lito ng Malabon

Hi Lito,
Kung bangko ako sa isang team, mas matutuwa ako. Mapa-NBA or PBA man, matutuwa ako! Bakit? Kasi may sweldo ako ng hindi napapagod! Magagawa mo ba yan sa ibang trabaho? Hindi mo magagawa sa opisina ang nakaupo ka lang at walang ginagawa tapos may sweldo ka! Kaya wag kang maawa sa kanila, swerte pa nga sila! Kung ako bangko, ang gagawin ko, magsisimula ako ng negosyo! Ako magbebenta ng tubig na iinumin ng mga players. O kaya, magdadala ako laptop, magsisimula ako ng online business habang bangko ako! Masarap maging bangko, free shoes, free uniform at kung ano-ano pang free!

Hi Alex,
Madalas po ako magbabad sa panunuod sa TV at pagamit sa computer. Lagi po akong pinapagalitan ng Nanay ko. Ang laging sinasabi sa akin eh lalabo daw ang mata ko kapag matagal akong gumamit ng TV o computer. Totoo po ba ito?

Don ng Mandaluyong

Hi Don,
Hindi totoo yan! Kaya ka lang sinasabihan ng Nanay mo na tigilan ang pagamit ng TV at computer ng matagal eh dahil tataas ang bayad sa kuryente! Lahat gagawin ng mga magulang natin para makatipid! At kapag hindi ka sumunod, anong susunod na ipananakot sa’yo – kukunin ka ng bumbay! Takot na takot ako sa mga bumbay nun! Ang sabi pa ng Nanay ko, kaya araw-araw daw dumadaan ang bumbay sa bahay namin dahil nag-aabang ng kukuning bata! Nang nagbinata na ako, nalaman ko, naniningil pala ng pautang! Susmaryosep!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.comfacebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

comments