Home » Entertainment » Timing » Big time!

Big time!

By Rowena Agilada

BIG time na si Kris Bernal. Bumili siya ng bahay sa USA. Aniya, investment din ‘yun, bukod sa kanyang restaurant business. Nagtayo si Kris ng Korean restaurant, kasosyo ang non-showbiz boyfriend niya.

rodjun and dianne

Sa negosyo at pagbili ng real estate properties ini-invest ni Kris ang perang kinikita niya sa pag-aartista. Aniya, hindi forever ang showbiz career niya, kaya kailangang may fall back siya, sakaling wala na siyang career.

Kamakailan ay nagpunta si Kris sa California, USA para sa Independence Day celebration kasama ang ibang Kapuso stars.

Ayaw umasa

Inaabangan ang official announcement ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) kung sino ang napili para tanghaling National Artist for Film.

Maipagkaloob na kaya ang parangal kay Nora Aunor? Bagaman nakapasa noon ang superstar sa tatlong deliberasyon ng NCCA Selection Committee sa pagpili ng nominees para sa National Artist, hindi naman naaprubahan ni former president Noynoy Aquino na hirangin bilang National Artist si La Aunor.

Naungkat ang drug-related case ng aktres, kaya nabulilyaso ang pagbibigay ng parangal sa kanya. This time kaya, maaprubahan ni President Rodrigo Duterte ang paghirang kay Nora Aunor bilang National Artist?

Sa isang panayam sa superstar, nagpahayag siya na ayaw niyang umasa. Kung ipagkakaloob sa kanya, salamat! Kung hindi naman, baka raw may iba pang mas deserving sa kanya para hiranging National Artist.

How true naman kaya ang tsika na diumano, kinulang ng boto si Congresswoman Vilma Santos-Recto, kaya hindi siya nakasali sa final selection ng NCCA para sa list of nominees?

Inspired

Next year pa ang wedding nina Rodjun Cruz at Dianne Medina. Para less stress, unti-unti na silang naghahanda para sa mga kakailanganin sa kanilang kasal.

Ten years na ang relationship nina Dianne at Rodjun. Last year siya nag-propose ng kasal kay Dianne sa Boracay. Anang aktor, araw-araw ay mas lalo niyang minamahal si Dianne. Sobrang understanding at supportive daw nito at hindi selosa. Ani Rodjun, si Dianne ang pinakamagandang babae para sa kanya.

Mas lalong na-inspire si Rodjun magtrabaho para sa future nila together. Bahagi siya ngayon ng GMA Afternoon series na “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.”

comments