Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Pusher dedo sa shootout

Pusher dedo sa shootout

By Kate Javier

Isa pang hinihinalang drug peddler ang napatay nang manlaban umano sa mga pulis sa isang buy-bust operation sa Caloocan City noong Martes ng umaga. Dead on the spot si Gilbert Morales, 50, ng Barangay 176, Bagong Silang, dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Superintendent Ferdinand del Rosario, city police deputy chief for administration, nakatanggap sila ng report na sangkot si Morales sa illegal drug trade sa naturang lugar. Dahil dito, nagkasa ng entrapment operation ang mga operatiba ng city drug enforcement unit at special operations unit sa tapat ng bahay ni Morales dakong 2 a.m.

Nang mapansin ni Morales na ang ka-transaksiyon niya ay isang undercover cop, agad siyang bumunot ng baril, dahilan para paputukan siya ni PO1 Bismark Sobera.

comments