Home » Entertainment » Timing » Darna costume ni Liza, inaabangan

Darna costume ni Liza, inaabangan

By Rowena Agilada

MAY conflicting reports tungkol sa direktor ng “Darna” movie na pagbibidahan ni Liza Soberano. Balitang diumano, hindi na si Erik Matti ang magdidirek nito. Nag-resign na raw ito.

liza

Sa isang ulat naman, diumano’y tuloy pa rin ang pagdidirek ni Matti sa “Darna” project ng Star Cinema. Wait na lang tayo sa official announcement kung sino talaga ang magdidirek.

Samantala, puspusan na ang training ni Liza para sa action scenes niya sa biggest project ever niyang ito. Inaabangan din ang kanyang sexy costume bilang Darna.

Pumalag

Pumalag si Dingdong Dantes sa paghalintulad ni Senator Sherwin Gatchalian sa paghalik ni President Rodrigo Duterte sa isang married OFW sa South Korea at sa mga artistang may asawa na na may kissing scenes sa pelikula at/o TV shows.

Anang senador, public official ang presidente at gusto lang daw nitong aliwin ang crowd. Kumbaga, parang artista lang ang peg.

Buwelta ni Dingdong, hindi dapat ihambing ang trabaho nila bilang mga artista sa ginawa ni Pres. Digong. Ang mga artista ay gumaganap lamang ng isang karakter. Pwede silang tumanggi kung ayaw nilang gawin ang isang eksena. Ibang usapan na raw kapag public official ka. Oo nga naman!

By the way, mapapanood soon ang Kapuso Primetime King sa isang documentary show, “The Amazing Earth” na handog ng GMA7. Directed by Rico Gutierrez.

Baby project

Sino kaya sa mag-hipag na Anne Curtis at Solenn Heussaff ang mauunang magka-baby? Pinaplano na ni Solenn and her hubby Nico Bolzico ang kanilang baby project next year.

Ayaw namang magpa-pressure ni Anne sa mga nagtatanong kung kalian sila magkaka-baby ng mister niyang si Erwan Heussaff. “If it comes, it comes,” ang sinasabi ni Anne.

Bilang paghahanda sa pagkakaroon ng baby, lilipat (o lumipat na?) na sina Solenn at Nico sa bagong house nila. Gusto ni Solenn na may nursery room for her coming baby.

Sa isang condominium sa BGC sila nakatira ni Nico since mag-boyfriend-girlfriend pa lang sila hanggang ikasal sila two (or three?) years ago.

comments