Home » Entertainment » Dingdong on potential pair-up with Vice: ‘Very interesting’

Dingdong on potential pair-up with Vice: ‘Very interesting’

By Delia Cuaresma

Malakas ang usap-usapan na pag-pa-partnerin si Dingdong Dantes at Vice Ganda para sa isang pelikulang ilalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

dingdong

Ito ay dahil na rin sa success ng pelikula ni Dingdong with Anne Curtis na “Sid & Aya (Not A Love Story),” na ayon sa producers nito ay naka-R100 million sa loob ng siyam na araw.

Of course, hindi naman kaila sa marami ang lakas ng hatak ni Vice sa mga moviegoers. Pawang mga box-office hits ka yang mga pelikula nito!

Marami ngayon ang nagsasabi na pag natuloy ang tandem tiyak na sure-fire hit ang pelikula.

Cool naman si Dingdong nang tanungin ukol dito.

Aniya sa isang interview na lumabas sa Pep.ph, wala raw siyang alam na ganoong plano pero kung sakali “very interesting” daw ito.

Kung sakali ito ang unang beses na magtatambal ang dalawa para sa isang proyekto.

comments