Home » Entertainment » ‘Starstruck Kids,’ nag-reunion

‘Starstruck Kids,’ nag-reunion

starstruck kids

By Ruel J. Mendoza

Mabilis na natupad ang wish ng Kapuso actor at bida ng teleserye na Kambal, Karibal na si Miguel Tanfelix na magkaroon ng reunion ang mga ka-batch niya sa “StarStruck Kids.”

Noong 2004 nagsimulang umere ang reality artista search show sa GMA-7. Isa si Miguel sa naging produkto nito at siya ang first runner-up ng contest.

Ang mga nanalo ay sina Sam Bumatay at Kurt Perez. Si Sam ay tumigil na sa showbiz at concentrated sa kanyang pag-aaral. Samantalang si Kurt naman ay nag-migrate na sa Australia.

Sa naganap na reunion ng StarStruck Kids after 14 years na in-organize ni Miguel, dumating sina Sam, Bea Binene, Sandy Talag, Gabriel Roxas, JM Perez, Shamel Leask at ang nagbabalik Kapuso na si Paul Salas.

Kasama pa ni Paul ang kanyang girlfriend na si Barbie Imperial sa reunion.

Pinost ni Paul sa kanyang Instagram ang reunion photo nila with the caption: “Starstruck kids reunion!! Fam”
Ang mga hindi nakarating sa reunion ay sina Kurt, Ella Guevara, Madi Yu, Renz Juan, Serge Septimo at Uno Guerta.

Si Bea kahit na busy sa taping ng kanyang upcoming teleserye na “Kapag Nahati Ang Puso” (formerly “Karibal Ko Ang Aking Ina”), hindi pinalagpas na makasama ulit ang mga naging kalaro niya noon sa “StarStruck Kids.”

Nasabi ni Miguel na gusto niyang makatrabaho sa isang show si Paul dahil mga bata pa sila noong huli silang nagkasama sa trabaho.

“Para mas makilala namin ulit ang isa’t isa. Iba kasi noong mga bata kami. Ngayon ay nandito na siya ulit sa GMA-7, wine-welcome namin siya bilang Kapuso ulit,” sey pa ni Miguel.

comments