Home » Entertainment » Timing » Bea bumata

Bea bumata

By Rowena Agilada

Nagmukhang bata si Bea Alonzo sa kanyang short hair na lampas-tenga, with full bangs. Pang-bagets ang aura ni Bea kahit 30 something na siya.

bea

Kailangan sa role niya sa pelikula nila ni Aga Muhlach ang new look niyang ito para bumagay sa karakter na ginagampanan niya.

Kamakailan ay lumipad patungong Vancouver, Canada sina Bea at Aga para sa shoot ng kanilang first movie together.

Excited si Bea dahil dream come true na maka-work niya ang hinahangaan niyang actor.

Si Paul Soriano ang direktor ng Aga-Bea starrer na handog ng Star Cinema.

International star na

International star na ang Kapuso star na si Jazz Ocampo. Kasama siya sa Indonesian movie, “Santet” na mga Indonesian, Briton at American actors ang mga katrabaho niya.

Si Jazz ang tanging Pinay actress. Tungkol ito sa kultura ng Indonesia , pero iba’t ibang lahi ang bumubuo ng cast.

Proud si Jazz na bahagi siya ng pelikula at wish niyang maipalabas din ito sa Pilipinas.

Extra
careful

Extra- careful na ngayon si Myrtle Sarrosa sa pagpili ng magiging bagong boyfriend. Huli niyang nakarelasyon si Brian Llamanzares, anak ni Senator Grace Poe-Llamanzares. That was in 2015 and since then, single pa rin si Myrtle.

Aniya, she’s dating someone na hindi taga-showbiz. Nasa getting to know stage pa lang sila at four months na itong nanliligaw sa kanya.

‘Yung pagpapaseksi naman ngayon ni Myrtle, aniya, choice niya ‘yun. “It’s part of being a woman and being proud of who you are. It’s time to bring out who you are,” aniya.

Hindi naman isyu kay Aileen Go, VP for Sales ng Megasoft ang sexy image ni Myrtle at ni-renew pa rin ang kontrata niya bilang endorser ng Sisters Sanitary Napkins. Three years na siyang ambassadress nito.

“Tanggap na ngayon ng mga millennial ang sexy image ni Myrtle. Hindi naman bastusin ang dating niya,” sabi ni Aileen.

Hindi lang sexy body si Myrtle, beauty and brains din siya. Cum laude graduate siya ng Business Communications mula sa University of the Philippines.

Tomorrow, nasa Atimonan at Gumaca, Quezon si Myrtle para sa “School Is Cool” tour bilang bahagi ng pagiging ambassadress niya ng Sisters Sanitary Napkins.

comments